^

PSN Showbiz

Gerald ‘di makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Bea

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Gerald �di makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Bea
Gerald

SEEN: Happy Together ang pamagat ng Inday Will Always Love You kapag ipinalabas ito sa China dahil sa exclusive distribution agreement sa pagitan ng GMA 7 at ng Chinese multi-media company na FZ Entertainment.

SCENE: Exclusive management contract ang pinirmahan kahapon ni Janno Gibbs sa Viva Artists Agency. Ang PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansigan ang dating namamahala sa career ni Janno.

SCENE: Malaking palaisipan sa mga supporter ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang desisyon nito na huwag ituloy ang plano na kumandidato na congressman sa Quezon City. Ang kapatid ni Herbert na si Hero Bautista ang nagsabi na tatakbo sa eleksyon sa Mayo 2019 ang incumbent mayor ng Quezon City.

SEEN: Tuwang-tuwa si Michele Gumabao nang malaman nito na volleyball ang favorite sport ng karamihan sa mga kandidata ng Miss Globe 2018. Professional volleyball player si Michele na official candidate ng Pilipinas sa Miss Globe na magaganap sa October 21 sa Tirana, Albania.

SCENE: Ang kuwento nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag na nagkaroon sila ng eerie experiences sa shooting ng All Souls Night sa isang lumang bahay sa Sampaloc, Manila. Sina Adlawan at Katanyag ang direktor ng All Souls Night, ang horror movie na tinatampukan ni Andi Eigenmann.

SEEN: Hindi makapaniwala si Gerald Anderson na magiging girlfriend nito si Bea Alonzo na nakikita lamang niya sa mga notebook cover noong hindi pa siya artista at simpleng mamamayan lamang ng General Santos City. Dalawang taon lang ang tanda ni Bea kay Gerald.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with