^

PSN Showbiz

Carmina inamin sa mga anak ang nangyari sa kanila ni Rustom

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Carmina inamin  sa mga anak ang nangyari sa kanila ni Rustom
Mavvy, Carmina at Cassy

Inamin ni Carmina Villaroel na alam ng mga anak niyang sina Mavy and Cassy Legaspi ang mga nakaraan niya. Yup, as in wala raw siyang inilihim na detalye sa anak nilang kambal ni Zoren Legaspi na ngayon nga ay kasama na niya sa programang Sarap ‘Di Ba?, ang kapalit ng programang iniwan ni Regine na Sarap Diva sa GMA 7.

Rason ng actress, gusto niyang may matutunan ang mga anak sa naging karanasan niya.

Siyempre, ang tinutukoy dito ay ang naging kapalaran nila ng unang asawang si Rustom Padilla kung saan sila nagka-relasyon ng matagal, nagpa-kasal pero naghiwalay matapos umamin si Rustom na transgender siya at lalaki talaga ang gusto niyang makasama sa buhay.

Dagdag pa ni Carmina, binigay niya ang full details ng mga pangyayari sa kambal.

Anyway, ‘yun nga, regular nang mapapanood ang mag-iina sa bagong talk-variety show, Sarap ‘Di Ba? beginning October 20 after ng programang Maynila.

Matagal ding napahinga si Carmina sa pagho-host at ngayon lang siya uli babalik. Sa acting siya natali nang matagal na panahon. Ito rin ang first program na magkakasama silang mag-nanay. Sayang nga, sana sinama na lang si Zoren Legaspi para for the whole family na talaga ang programa, ‘yung tipong pati mga tatay makukuha nila para manood.

Anyway, tutukan ng programa kung paano mas mapatibay ang relasyon ng parents and children.

Si Carmina bilang Gen X mom, tatalakayin niya ang mga relatable and more dynamic topics tungkol sa pamilya, pagkain and fun activities for everyone.

Habang ang kambal naman bilang mga Gen Z teens, sasamahan ang kanilang mommy para sa latest trends sa music, pop culture, fashion and technology.

Ayon kay Carmina, hindi man siya millennial mommy, nakaka-relate naman daw siya sa mga interest ng kanyang mga anak.

So iba na ito, walang kantahan pero ibang tsikahan kasama sina Carmina, Mavy at Cassy beginning October 20 at 10:45AM on GMA.

vuukle comment

CASSY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with