^

PSN Showbiz

Kind, beautiful, rich, asian nagbabasa na rin ng tabloid!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kind, beautiful, rich, asian nagbabasa na rin ng tabloid!
Babette

Nagulat ako Mama Salve ha. Nag-ext si Tita Babette Aquino-Benoit na binabasa niya everyday habang nandito siya sa Manila ang column ko dito sa PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang Masa).

Bongga. Imagine, orig na kind beautiful rich Asian nagbabasa ng tabloid na PSN at PM?

Bongga, akala ko pa naman column lang ni Ricky Lo ang favorite niya.

Hindi rin niya nalilimutan ang invitation na lunch para chica chica kay Alice Eduardo na love na love niyang friend at lagi niyang pinupuri.

Well, sa totoo lang naman, na-meet at nakilala ko rin si Mama Alice at talagang tulad ni Tita Babette, tunay na rich and kind, ‘yung totoong rich Asians na maipagmamalaki mo ha.

Well, thank you Tita Babette , what an honor to hear na may time kang magbasa ng mga articles na edit ni Salve na na-meet mo rin sa Paris at sa wedding ni Vicki at Hayden Kho, the real dream wedding na tunay na pang royalty.

Please enjoy reading Tita Babette, live long, stay young forever, love you.

Jiggy Korean style ang gagamitin sa kampanya

Independent candidate pala ang former GMA News reporter na si Jiggy Manicad na nag-file kahapon ng certificate of candidacy sa Comelec, Intramuros, Manila.

Ang akala ng lahat, tatakbo si Jiggy sa ilalim ng partido ni President Rodrigo Duterte kaya may mga nagulat sa desisyon niya na maging independent candidate.

Parang Korean lang ang peg ni Jiggy dahil fingerheart ang handsign niya at ng kanyang mga supporter dahil yon daw ang handsign ng mga may puso.

Bong nag-uumapaw ang pasasalamat

Parang may parada naman sa Comelec nang mag-file kahapon si Lani Mercado ng certificate of candidacy ni Bong Revilla, Jr. na muling kakandidato bilang senador sa ilalim ng partido ng Lakas-CMD dahil ito ang hiling ng kanyang mga supporter.

Consistent ang paglitaw ng pangalan ni Bong sa mga senatorial survey at ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob, kasama ang taimtim na pagdarasal sa Panginoon, para kumandidato na senador sa eleksyon sa May 2019.

Physically absent man si Bong sa filing of candidacy, spiritually present naman siya sa puso ng kanyang mga supporter na sinamahan si Lani, ang kanilang mga anak na sina Bryan at Jolo at ang mga kapatid niya sa pagmamartsa papunta sa Comelec office sa Maynila.

Kahit nakakulong si Bong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng mga supporter na maligayang-maligaya sa  kanyang desisyon na tumakbo uli na senador.

Naramdaman naman ng loyal supporters ni Bong ang sincerity niya dahil sa kanyang bukal sa puso na pasasalamat.

“Maraming-maraming salamat po! Hindi maipaliwanag ng salita ang nag-uumapaw kong pasasalamat bunga ng pagbuhos ng inyong pagmamahal.

“Nabigla ako sa pagdagsa ninyo at pagpapahayag ng walang humpay na suporta at tiwala.

“Salamat po sa mga kababayan natin mula sa Bacoor, sa Maynila, at sa iba’t ibang panig ng bansa. Salamat sa mga stuntman at dati kong kasamahan sa industriya. Salamat sa aking mga kapatid at pamilya sa pangunguna ni Lani. Salamat po sa inyong lahat!

Sa ngalan ng katotohanan at pagmamahal sa bayan, TULOY ANG LABAN!”

Richard Yap, first timer sa pulitika

Mga kakandidato na house representative ng iba’t ibang distrito sina Alfred Vargas, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Richard Yap at Edu Manzano.

Nag-file kahapon si Alfred ng certificate of candidacy bilang reelectionist congressman ng 5th District ng Quezon City.

As of presstime, waiting ang mga supporter ni Herbert Bautista sa pagsusumite nito ng certificate of candidacy dahil desidido siya na tumakbo na congressman sa isang distrito ng Quezon City.

Hoping naman si Richard Yap na mahahalal na house representative ng North Cebu at ito ang first time na sasabak siya sa pulitika.

Hindi natuloy ang filing ni Edu ng certificate of candidacy noong Martes. May nagkuwento sa akin na kahapon magsusumite si Edu ng COC niya pero sa pamamagitan ng kanyang lawyer dahil may taping siya para sa Ang Pro­binsyano.

Kakandidato si Edu na congressman ng lone district ng San Juan at kapartido niya si Jinggoy Estrada at ang anak nito na si Janella.

vuukle comment

BABETTE AQUINO-BENOIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with