^

PSN Showbiz

Jolo gusto munang rumaket sa pelikula at tv bago mangampanya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jolo gusto munang rumaket sa  pelikula at tv bago mangampanya
Jolo

Dinagsa ng mga Caviteño, mga supporter sa showbiz at sa pulitika ang COMELEC sa Intramuros kahapon, October 17 para magpahayag ng suporta sa muling pagtakbo ng dating Sen. Bong Revilla Jr. bilang Senador sa darating na mid-term elections.

Si Bacoor Mayor Lani Mercado ang nag-file para sa da­ting senador na nakapiit pa rin sa Custodial Center ng Camp Crame. Kasama ni Lani ang mga anak nila, mga kapatid ni Sen. Bong at mga malalapit na kaibigan at supporters.

Pagkatapos ng filing, humarap muli si Mayor Lani sa mga taong pumunta para iparating ang mensaheng ipinadala ni Sen. Bong.

Bahagi ng statement na binasa ni Mayor Lani; “Matapos ang masinsinang panalangin, pagkunsulta sa mga kaibigan at taga-suporta at pagdulog sa pamilya, buo na ang aking pasya. Muli akong humaharap sa ating mga kababayan para minsan pa ako’y inyong pagkatiwalaan. Kakandidato ako bilang senador sa eleksyon ng susunod na taon. Upang makiisa ng pamahalaan sa paglutas ng mga problema ng bayan.

“Ikinulong man nila ako, hindi nila makukulong ang aking puso, diwa at pagmamahal sa bayan.”

Sa pamamagitan ng kanyang administrator sa Facebook, nagpasalamat si Sen. Bong sa lahat na dumating at nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura.

Sandaling nakausap namin si Vice Governor Jolo Revilla, nabanggit niya sa aming gusto niyang magpaka-active sa TV bago siya mag-focus sa pangangampanya.

Pagkatapos daw ng pelikula nilang Tres, lalo siyang nagkainteres na umarte sa pelikula o kaya ay sa drama series.

Ruru na-miss si Direk Maryo nang tumanggap ng award

Isa si Ruru Madrid sa mga taong sobrang nami-miss ang namayapang si direk Maryo J. delos Reyes.

Nasa social media kahapon ang mga pagbati kay direk Maryo na magsi-celebrate na sana ng kanyang 66th birthday kahapon.

Sabi nga ni Ruru nang makatsikahan sa radio program naming Showbiz Talk Ganern, si direk Maryo raw ang isa sa naaalala niya nung tinanggap ang award niyang Best Single Performance by an Actor mula sa Star Awards for TV ng PMPC nung nakaraang Linggo, October 14.

“Masaya po ako siyempre nung tinanggap ko ang awards pero nalungkot din ako dahil wala na si direk Maryo na bumati sa akin.

“Nung tinanggap ko ang Best Drama Actor award ko last year, siya ang unang tumawag sa akin.

“Hindi ko lang po talaga manager si direk Maryo, o mentor, pamilya ko na po siya talaga eh.

“Kaya minsan talaga, nalulungkot pa rin ako,” seryosong pahayag ni Ruru.

Ang isa pang pinanghihinayangan ni Ruru ay hindi man lang daw siya naidirek ni direk Maryo sa isang drama series.

“Naalala ko nung nag-extra pa ako sa isang soap niya. Isang eksena lang po yata yun. Yun lang po.

“Mabuti na lang naidirek naman niya po ako sa Bamboo Flowers. Dun talaga napiga niya ako sa acting,” saad pa ni Ruru.

Studio 7 nag-rate  kahit wala si Regine

Sa gitna ng mainit na pag-welcome ng ABS-CBN kay Regine Velasquez kahapon, masaya naman ang taga-GMA 7 sa mataas na rating ng Studio 7 na nagsimula nung nakaraang Linggo.

Naka-12.2 percent ito at 10.4 lamang ang katapat ng The Kid’s Choice.

Masaya ang lahat na hosts at staff ng naturang musical show. Dito naman daw nila napatunayan na basta maganda ang show, pinapanood talaga.

vuukle comment

JOLO REVILLA

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with