^

PSN Showbiz

Bea hindi pa buo ang tiwala kay Gerald?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Bea hindi pa buo  ang tiwala kay Gerald?!
Gerald

Mukhang may tulog pa si Gerald Anderson sa relasyon nila ni Bea Alonzo.

Nahirapan si Bea na sagutin kung siya na nga ang makakatuluyan nito sa altar. Dahil marahil kagagaling lang nila sa isang lover’s quarrel at nagsisimula pa lamang sila ni Gerald na ibalik ang dating tamis ng kanilang samahan.

May movie si Bea na hinihintay ng ma­rami dahil sa kuwento pa lamang ay gandang-ganda na ang lahat ng nakakarinig nito. Si Aga Muhlach pa mismo ang nagbalita at nag-alok ng First Love sa kanya.

Magsisilbing celebration ng birthday ni Bea ang pelikula na nagsimulang ipinalabas sa araw ng kaarawan niya (kahapon) na dinirek nina Paul Soriano at Olive Lamasan ng Star Cinema.

Nash deserve ring manalo

Sayang at walang ensemble acting sa ‘Pinas, otherwise, hindi lamang sina Joshua Garcia at Jerome Ponce ang nanalong Best Drama Actor sa katatapos na Star Awards for TV ng PMPC. Nanalo rin sana si Nash Aguas na maganda rin ang naging performance sa tinanghal na Best Drama Series na The Good Son. 

Tila nagkaisa rin ang lahat na karapat-dapat si Yasmien Kurdi na manalong Best Drama Actress, walang narinig o naramdamang pagtutol sa mga nakasaksi sa kanyang pagtanggap ng kanyang tropeo. Paboritong winner din si Alden Richards na maraming fans ang nanghingi ng tiket para masaksihan ang kanyang victory.

Laban-Laban, kampi-kampi sa pulitika

Ang gandang pagmasdan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa pagsuporta sa kanilang ama sa pagtakbo nito bilang mayor ng Cainta, Rizal. Katulong din ni Jolo Revilla ang kanyang inang si Lani Mercado sa kanyang muling pagtakbo bilang vice governor sa Cavite, ganundin si Sen. Grace Poe na kasama ang inang si Susan Roces sa pag-file niya ng kanyang COC para sa kanyang reeleksyon sa Senado.

Hindi tulad ng mag-aamang Jejomar, Junjun, Abigail at Nancy na sa halip na magtulungan ay mas piniling maging magkakalaban na hindi tinutulan at sa halip ay inayunan lamang ng kanilang ama.

Nakakalungkot lamang na bumaba ng husto ang popularidad ni ex spokesperson Harry Roque at medyo mahihirapan siyang tumakbo sa eleksyon dahil sa ginawa niyang paglilingkod sa administrasyon na pinamumunuan ni Pres. Rodrigo Duterte.

Ganundin si Mocha Uson na hindi na nakasama sa line-up ng administrasyon ay mukhang mabubulilyaso pa sa pag-anib sa isang partylist group. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with