^

PSN Showbiz

Piolo apat-apat ang pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa Home Sweetie Home at ASAP ay abala rin si Piolo Pascual ngayon sa apat na mga pelikula. “I’m doing four movies actually. I hope I get to do it simultaneously, sabay-sabay eh. They all want to shoot this November. With all the prior commitment, I don’t think I can accommodate,” bungad ni Piolo.

Ayon sa aktor ay kailangang unahin niya muna ang dalawang programa sa Kapamilya network bago maisingit ang kabi-kabilang shooting ng mga pelikulang gagawin. “Ang priority pa din natin ang ABS-CBN. We have Home Sweetie Home, ASAP, ang dami ko palang ginagawa. Mayroon pang gagawin na album. So I’m really maximizing my time and to manage it well. So para walang masasayang na oras,” pagbabahagi ng aktor.

Kapansin-pansin ngayon ang mahabang buhok ni Piolo. Kinailangan daw magpahaba ng buhok ng aktor dahil sa pelikulang Children of the Lake na tungkol sa Marawi. “Okay naman, we’re still working on the third act finalizing the sche­dules because na-move back nang na-move back so hopefully by November. Kasi some of the staff nando’n para mag-set up and hopefully by November grind na para matapos na din. Sayang naman, ang tagal na,” pahayag ni Piolo.

Wala raw kinalaman ang biglaang pagpapalit ng direktor ng pelikula kamakailan sa pagkakaantala ng kanilang shooting. “It was a blessing. At least we’re able to work on the script better. Mas matututukan namin ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin para sa pelikula at nang hindi masayang ang oras,” pagtatapos niya.

Lani excited makasama si Regine sa ABS-CBN

Noong Lunes ay muling pumirma ng kontrata si Lani Misalucha sa Star Music. Aminado ang singer na excited na rin siya sa napabalitang paglipat ng kaibigang si Regine Velasquez sa mga susunod na linggo sa ABS-CBN. Umaasa si Lani na muli siyang makakapagtanghal na kasama ang Asia’s Songbird at ilan pang mga kaibigan sa Kapamilya network. “Sa tagal namin na hindi nakapagtrabaho, as in ‘yung lahat kami. Of course I’m looking forward na there’s going to be one venue  for us to be together. I don’t know if that’s going to happen anytime soon, but who knows? Janno, Jaya, Ogie, Lani and Regine,” nakangiting pahayag ni Lani.

Ayon sa Asia’s Nightingale ay nagkita sila ni Regine kama­kailan. Matatandaang huling nagkasama ang magkaibigan sa isang singing contest sa ibang TV station. “Magkasama kami I think two weeks ago. ‘Yon ‘yung huling programa namin at pag-uusap, at magkikita kami ulit dito,” pagtatapos ni Lani. Pinaghahandaan na ngayon ng singer ang isang bagong album at international concert tour bilang selebrasyon ng kanyang ika-limampung kaarawan.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with