^

PSN Showbiz

Kahit 94 na, Enrile ayaw pang bumitiw sa pulitika!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kahit 94 na, Enrile ayaw pang bumitiw sa pulitika!
Enrile

SEEN: Ngayon ang huling araw ng submission ng Certificate of Candidacy ng lahat ng mga nagbabalak na kumandidato sa eleksyon sa May 2019. Ngayon ang filing of COC ni re-electionist Quezon City District V House Representative Alfred Vargas at ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na kakandidato na house representative ng isa sa limang distrito ng siyudad.

SCENE: Kakandidato na konsehal ng second district ng Maynila si Sheryl Cruz. Nag-file kahapon si Sheryl ng COC at tatakbo siya sa ilalim ng partido ni incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada.

SEEN: Tuloy ang pagkandidato ni Bong Revilla, Jr. bilang senador, kahit nakakulong siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame. “Ikinulong man nila ako, hindi nila makukulong ang aking puso, diwa at pagmamahal sa bayan,” ang pahayag ni Bong.

SCENE: Magiging abala sa pangangampanya si Korina Sanchez dahil sa muling pagkandidato ng kanyang asawa na si Mar Roxas na pangarap na makabalik sa senado.

SEEN: Ang kanyang ama na si Manila City Mayor Joseph Estrada ang kasama ni former Senator Jinggoy Estrada nang magsumite ito kahapon ng Certificate of Candidacy sa Comelec, Intramuros, Manila.

SCENE: Ang misis na si Hyacinth ang kasama nung isang araw ni Senator JV Ejercito sa filing ng kanyang COC sa Comelec, Intramuros. May tampo si JV dahil ang kandidatura ni Jinggoy ang binasbasan ng kanilang ama.

SEEN: Si ex-Senator Juan Ponce Enrile ang pinakamatanda sa mga senatoriable na kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon. Ninety-four years old na si Enrile na mas bagay na mag-enjoy na lang sa buhay.

SCENE: Tatakbo na house representative ng San Juan City si Edu Manzano sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino. Kasama ni Edu sa partido si Janella Estrada, ang panganay na anak ni Jinggoy Estrada na mayoral candidate.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with