^

PSN Showbiz

ABS-CBN Best Station sa Star Awards

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nakakagulat na nasungkit ng ABS-CBN ang Best Station mula sa Star Awards for TV ng PMPC na ipinamahagi nung isang gabi.

Siyempre sa Channel 2 ibigay ang Best Station dahil parang di naman siguro type ng Kapamilya network na iere nila ang awards night na sa GMA 7 ibinigay ang Best Station award.

Mapapanood na ito sa ABS-CBN 2 sa October 28, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Kahit ano pang sabihin ng iba, kailangang mapagbigyan ang Kapamilya network at bigyan din ng mga magandang award ang GMA 7.

Hindi na apektado rito ang mga taga-PMPC dahil lagi naman daw kinukuwestiyon ang mga winners nila. “Manhid na kami. Hindi na kami apektado. Basta ibibigay namin ang parangal ayon sa aming panlasa,” sabi sa akin ng kanilang presidente na si Joe Barrameda.

Mahirap ding mag-break ng tie, dahil kailangan masaya ang lahat.

Kaya nag-tie sina sina Joshua Garcia at Jerome Ponce sa Best Drama Actor mula sa The Good Son. Magkatuwang naman sa Best Supporting Actress award sina Lorna Tolentino at Kyline Alcantara.

Muling may ka-tie na naman si Ruru Madrid tulad last year na naka-tie ni Dingdong Dantes. Magkatuwang sila ni James Blanco sa kategoryang Best Single Performance by an Actor. Nasungkit ni Ruru ang naturang award mula sa Magpakailanman, at si James naman sa MMK.

Doble doble nga ang suwerte niya nung gabing iyun dahil kagagaling lang niya sa awarding ng Garage magazine. Magkasama naman sila ni Alden Richards na ginawaran ng naturang magazine ng Street Dapper Kings of 2018. Si Alden naman ang nagwaging Best Male TV Host kapartner si Maine Mendoza na siyang Best Female TV Host mula sa Eat Bulaga.

Pero ang nagpasaya nang husto kay Alden ay ang pagkapanalo ng PA niyang si Tenten na mas kilalang si Kendoll ng Eat Bulaga bilang Best New Male TV Personality.

Bong hindi na maawat sa pagtakbo

Ngayong araw magpa-file ang dating Sen. Bong Revilla ng kanyang Certificate of Candidacy.

Si Bacoor Mayor Lani Mercado ang mag-re­present sa kanya na sasamahan ng kanyang mga anak.

Suportado si Sen. Bong ng buong pamilya at mga supporters nila mula sa Cavite.

Magsisimba raw muna sila sa Manila Cathedral ng alas-siyete ng umaga, at lalakarin na nila ito patungong COMELEC.

Matinding challenge kay Mayor Lani at sa buong pamilya itong 2019 midterm elections dahil bukod sa magiging abala siya sa pangangampanya sa Bacoor, mag-iikot din siya sa iba’t ibang lalawigan ng bansa para ikampanya si Sen. Bong.

Tutulong din siyempre si Jolo Revilla na nag-file na rin for reelection bilang Vice Gover­nor ng Cavite, at pati sina Bryan at ibang kapatid.

Ngayong araw din daw magpa-file ang dating Sen. Jinggoy Estrada.

Ilan pa sa mga artistang nag-file ay si Gary Estrada na tatakbo namang Vice Mayor ng Cainta.

Iniwan na ni Gary ang Quezon na pinagsisilbihan din niya ng matagal-tagal na panahon.

Ilan pa sa mga artista pang nag-file ay ang da­ting Sen. Lito Lapid na nagnais bumalik ng Senado. Ewan ko lang kung susuportahan siya ni Coco Martin dahil ang pagkakaalam ko matagal na itong naka-commit kay Sen. Sonny Angara.

Bukas naman ng hapon ay magpa-file si Cong. Alfred Vargas bilang re-electionist na Representative ng district 5 ng Quezon City.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with