^

PSN Showbiz

Mga Artista sa Star Awards patalbugan ng make up artist

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Lubhang napaaga ako ng dating sa Ateneo Irwin Lee Theater para sa Star Awards for TV. Nalibang ako sa pagmamasid sa mga kaganapan bago ang pagsisimula ng awarding tulad ng maagang pagda­ting ng maraming artista para maihanda ang kanilang sarili para sa event.

Isang magandang aktres ang may bitbit na dalawang make-up artist pero, bago sa kanya ay nauna nang duma­ting ang isang stylist at dalawang hairdresser.

Takang-taka ang beauty ko sa pag-iisip kung ganun ba kara­ming tao ang kinaka­ilangan niya para mas ma­paganda siya. Hindi na­man siya nag-iisa, marami pang artistang babae ang may kasamang staff para masiguro na magi­ging maganda sila sa gagawin nilang performance.

Hindi sila umasa sa mga beauty provider na libreng kaloob sa lahat ng kasama sa event ng Star Awards producer na Airtime Marketing. At lahat sila ay may hila-hilang mga makikintab na maleta na kinapapalooban marahil ng mga pampaganda.

Maraming manonood ang dumating ng maaga dahil akala nila ay magpapasok ng tao sa theater ng 6:00pm, mga 8:00pm na sila nakapasok dahil hinintay pang matapos ang rehearsal sa loob ng venue. May flavored water namang available at 8-in-1 coffee at enjoy sila na makakita ng mga artista na maagang dumating.

Mukha namang umayon sa inaasahan ng lahat ang mga nanalo dahil walang narinig na pagtutol sa lahat sa pag-anunsyo. Lubha lang naging napaka-ingay ng fans sa balcony na gina­wang premiere night ang napaka-pormal sa­nang awards night.

Hindi personal na natanggap ni QC Mayor Herbert Bautista ang kanyang tropeo ng sumasagisag sa Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Ganundin si Korina Sanchez na Best Magazine Show Host para sa kanyang Rated K. Wala ring tumanggap ng Best Comedy Show para sa Pepito Manaloto. Pero, andun si Arnold Clavio para sa kanyang Excellence in Broadcasting award, si Ricky Reyes para sa kanyang palabas at host ng The World of Gandang Ricky Reyes.  

Mapapanood ang kabuuan ng Star Awards for TV sa October 28 sa ABS-CBN, ang napiling Best TV Station ng mga taga-PMPC. 

Boy naghakot ng award

Bukod kay Boy Abunda na nakasungkit ng apat na panalo sa Star Awards for TV para sa show at host ng The Bottomline at show at host din ng Tonight with Boy Abunda, dalawang awards din ang nakuha ni Yassi Pressman bilang Face of the Night at German Moreno’s Power Tandem kasama ni Coco Martin.

Dalawang awards din ang tinanggap ng GMA’s My Special Tatay actor na si Ken Chan. Recipient siya ng Frontrow Male Celebrity of the Night at Face of the Night. Wala ni bakas ng kanyang pagiging autistic sa kanyang serye si Ken na naging mas guwapo pa sa kanyang pagtanggap ng kanyang dalawang awards.

TNT contestant pinaulit dahil sa brownout

Ngayon lang nangyari na pinaulit na kumanta ang isang kalahok sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime dahil nang mago-gong na siya ay biglang nawalan ng kuryente sa show na-spare siya sa isang kahihiyan. Ang bait ng kapalaran sa kanya.

Hindi lahat ng nago-gong ay nabibigyan ng ikalawang pagkakataon.

vuukle comment

STAR AWARDS FOR TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with