^

PSN Showbiz

Kring-Kring pahinga na sa pulitika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kring-Kring pahinga na sa pulitika
Kring-Kring

Hanggang ngayong Miyerkules, October 17, 2018 na lamang ang last day of filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa May 2019 mid-term elections kaya tiyak marami pa ang hahabol.

Muling kakandidato sa ikatlong termino bilang ma­yor ng Maynila ang dating Pangulo now mayor ng Manila na si Joseph “Erap” Estrada ganundin ang tatlo sa kanyang mga anak na sina dating Sen. Jinggoy Estrada, incumbent senator na si JV Ejercito na parehong tatakbo sa pagka-senador at ang kanilang nakababatang kapatid sa ama na si Jerika Ejercito-Aguilar ay sa pagka-konsehal sa isang distrito ng Maynila. 

Ang apo ni Mayor Erap at panganay na anak ni former Sen. Jing­goy Estrada na si Vice Mayor Janella Ejer­cito ay kakandidato naman sa pagka-mayor ng San Juan kung saan outgoing mayor ng siyudad si Mayor Guia Gomez na nanay ni JV.

Makakalaban naman ni Isko Moreno sina Ma­yor Erap Estrada at dating Manila Mayor Alfredo Lim na pareho niyang pinagsilbihan as vice mayor sa magkahiwalay na termino.

Muling maghaharap sina Mayor Erap at dating Mayor Fred Lim sa ikatlong pagkakataon. 

Samantala, tuloy ang kandidatura ni dating Sen. Bong Revilla sa kabila na siya’y kasalukuyan pa ring naka-detain sa Camp Crame.  Ang kanyang misis at mayor ng Bacoor na si Lani Mercado ang magpa-file (o nag-file na) on his behalf.  Tatakbo pa rin sa pagka-mayor ng Bacoor si Lani gayundin si Jolo sa pagka-vice-governor ng Cavite at kandidato pa rin sa pagka-kongresista ng Cavite si Strike Revilla. Malamang na pagka-mayor pa rin ng Antipolo ang takbuhan ng mister ni Andrea `Andeng’ Bautista-Ynares na si Mayor Junjun Ynares.

Tatapusin lamang ng singer-actress-turned politician na si Cristina “Kring-Kring” Gonzalez-Romualdez ang kanyang unang termino bilang mayor ng Tacloban dahil ang kanyang mister, ang dating mayor ng siyudad na si Alfred Romualdez ang muling tatakbo sa pagka-mayor ng Tacloban.  Tututukan naman ni Kring-Kring ang kanilang dalawang anak na sina Sophia at Diana ma­ging ang kanilang mga negosyo.

Since hihinto na si Mayor Kring-Kring sa kanyang political career, malaki ang posibilidad na bigyan niya ng puwang ang kanyang nahintong showbiz career at matutukan din niya ang singing career ng kanyang panganay na si Sophia.

vuukle comment

CRISTINA “KRING-KRING” GONZALEZ-ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with