^

PSN Showbiz

John Lloyd isang taon nang normal ang buhay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd isang taon nang normal ang buhay
John Lloyd

Ang sarap siguro ng feeling ni John Lloyd Cruz Mama Salve. Imagine all his life nagtrabaho siya, kumayod ng husto tapos nang magkaroon ng burnt out sa trabaho nag-exit at ginawa ang mga gusto niyang gawin sa buhay.

Iyon dapat ang ginagawa mo pag gusto mong mag-recharge, puwede kang huwag magtrabaho dahil may ipon ka. Sabi nila nung una manghihina­yang si John Lloyd at babalik din agad, pero tingnan mo nagdaan ang isang taon nagawa niya talagang talikuran lahat. Siya ang hinahanap, siya ang inaalok, siya ang hinahabol. Ang sarap talaga when you quit ng nasa taas ka, kasi feeling star na star ka pa rin. Iyon ang kaibahan ng umalis at inalis. Iyon ikaw mismo ang tumalikod at hindi ikaw ang tinalikuran. Tingnan mo iyon mga naghintay pang malaos bago huminto mukhang kawawa, walang interesado. Si John Lloyd kahit anong galaw binabantayan pa rin, news pa rin, star pa rin.

Gloria naalala si Direk Danny

Mga pelikula ni Gloria kay Direk Danny gustong gawan ng remake.

Si Danny Zialcita ang isa sa mga paborito na direktor ni Gloria Diaz. Maraming pelikula ang ginawa nila noon at bilib si Gloria kay Danny dahil nakakapag-shooting ito ng walang script pero maganda ang resulta ng kanilang mga drama movie.

Natatandaan ng dating Miss Universe na bago namatay si Danny, dumalaw ito sa bahay niya sa Makati. Sinabi ni Gloria kay Danny na kalahati ng bahay na ipinatayo niya, nanggaling ang datung mula sa mga pelikula nila na ikinatuwa ng direktor.

May mga project sila ni Danny na type ni Gloria na magkaroon ng remake at nabanggit niya ito sa mga reporter na nakausap niya sa presscon ng Pamilya Roces, ang primetime show ng GMA 7.

Mahirap nang magkaroon ng another Danny Zialcita ang Philippine movie industry dahil nag-iisa lamang siya. Si Danny lang ang direktor na nakakapagsulat ng mga dialogue na mahahaba pero hindi masakit pakinggan sa tenga.

Malakas din ang recall ng pamagat ng mga pelikula ni Danny tulad ng Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, Gaano Kadalas ang Minsan?, Kulang sa Init, Kulang sa Lamig, Kapag Tumabang ang Asin, Ang Biyuda ay Misteryosa, Hawakan Mo at Pigilan ang Kahapon, May Daga sa Labas ng Lungga at May Lamok sa Loob ng Kulambo.

ER join uli sa pulitika

Kakandidato uli na gobernador ng Laguna si ER Ejercito.

Nag-file si ER ng Certificate of Candidacy niya noong October 11 sa Comelec office sa Sta.Cruz, ang capital town ng Laguna.

Si ER ang gobernador ng lalawigan ng Laguna noong June 2010 pero buma­ba siya sa puwesto noong May 2014 dahil sa kaso ng campaign overspending.

Natatandaan ko ang live coverage noon ng mga television network sa pagbaba ni ER sa posisyon dahil sinundo pa siya ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa provincial capitol ng Laguna..

Si Papa Erap ang nagkumbinsi kay ER na igalang ang disqualification decision ng Comelec.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with