^

PSN Showbiz

Regine kumpirmado, kasama sa ASAP

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Regine kumpirmado, kasama sa ASAP
Regine

Naglabas na nga ng statement ang ASAP na kasama na nila si Regine Velasquez-Alcasid sa ASAP Live in Sydney sa October 20.

Natahimik na rin ang ilang netizens na hindi naniniwalang iiwan ng Asia’s Songbird ang Kapuso network.

Nakatsikahan lang namin ang ilang bossing na ramdam naman naming nalungkot sa pag-alis ng isa sa prime artists ng Kapuso network.

Naintindihan naman daw nila ang desisyon ni Regine na gusto na niyang magkasama na sila ni Ogie Alcasid sa iisang network.

Kunsabagay, halos lahat naman nagawa na ni Regine sa GMA 7, kaya okay na ring subukan na niya sa iba kasama ang mga artist na hindi pa niya nakakatrabaho.

Ang dami lang kumontra sa desisyon niyang iyun, kaya pinutakti ito ng bashers, lalo na nung hindi natuloy ang ilang shows niya sa Amerika.

Mabuti na lang at maganda naman ang mga programang iniwan ni Regine sa GMA 7.

Mataas ang rating nang pagtatapos ng The Clash at inaasahang madadala nila ito sa Studio 7 na magsisimula na mamayang gabi.

Ngayon pa lang ay marami na raw ang nagsa-suggest na ipalit na host sa The Clash para sa second season nito next year ay si Alden Richards, parang ibang-iba ang look, malayo sa style ni Regine.

Sa Sarap Diva naman na ginawa nang Sarap Di Ba, nag-enjoy si Carmina Villaroel sa first taping nila nung nakaraang Huwebes, October 11.

Na-impress ang mga staff sa kambal na Mavy at Cassy. Matalino raw ang magkapatid, kaya iba ang rapport nila kasama ang kanilang Mommy.

 Alden pahinga muna sa concert

Mamayang gabi na pala mapapanood sa SNBO ng GMA 7 ang Adrenaline Rush concert ni Alden Richards.

Mahaba ang concert niya na umabot ng mahigit tatlong oras kaya pagkasyahin na lang iyun sa isa at kalahating oras.

Sabi ni Alden nung nakatsikahan namin sa set ng Victor Magtanggol, “Sa ngayon po after po nung experience nung huling concert na anim na araw lang po yung preparation ko from scratch, tapos nagti-taping pa ako sa six days na yun, medyo pahinga po muna ako. Mahirap po siya…nabitin po ako sa prep.

“So, ang balak ko po yung sunod ko na concert is yung 10th year anniversary ko po sa showbiz.”

Nasa eight year pa lamang si Alden kaya two years pa ang hihintayin bago natin siya mapanood uling magkakanta at magsasayaw sa concert.

Nag-enjoy naman si Alden na sa mga ginagawa niyang action scenes sa Victor Magtanggol kaya dito na muna siya magpo-focus.

Ngayong maiiba ang look niya bilang Victor Magtanggol, mas kinakarir na raw niya ngayon ang mga action scenes na talagang siya ang gumagawa.

Meron pa raw silang ilang action scenes na kailangan niyang i-rehearse ng ilang araw.

Kaya kinukondisyon niya talaga nang mabuti ang katawan dahil karamihan daw sa mga eksena niya ay hindi na nagdu-double.

“Normally naman po tinatanong ko si direk o kaya yung EP namin si Ms. Mona na kung puwede ako na lang gumawa ng lahat na stunts as much as kaya. As much as possible po, ako po lahat,” sabi pa ni Alden.

Derek papalitan si regine

True kaya ang nasagap naming magi­ging Kapuso na uli si Derek Ramsay? Dati na sa GMA 7 si Derek kung saan dati siyang ka­sa­ma sa Eat Bulaga at sa sitcom nina Kuya Rudy Fernandez at Rosanna Roces.

Lalo lang bumongga ang career niya nang na­ging Kapamilya, at nabigyan ng magandang kontrata sa Kapatid Network. Sana nga totoo ito at matuloy ang pagbabalik niya sa Kapuso.

As of presstime, hindi pa ako sinasagot ng ma­nager niyang si Jojie Dingcong. Wala pa rin akong nakausap na taga-GMA 7.

Kaya abangan na lang natin kung magkakaroon ng pirmahan bilang bagong Kapuso star, pagkatapos umalis ni Regine Velasquez.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with