^

PSN Showbiz

Benjamin tatapusin muna ang pagluluksa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Benjamin tatapusin muna ang pagluluksa!
Benjamin

Babalik  agad si Benjamin Alves mula sa Guam kung saan pinag­luluksa nito ang maagang pagpanaw ng kanyang amang si Ebet Sapida.

Nasa bansa na raw ang Kapuso actor sa Lunes dahil kailangan niyang tapusin ang taping niya sa serye niyang Kapag Nahati ang Puso.

Pagkatapos daw nito, babalik din siya ng Guam dahil kailangan pa raw niyang magkaroon ng sapat na panahong makasama ang kanyang pamilya.

Malabong makasama ang kasintahang si Julie Anne San Jose dahil kararating lang niya mula sa Kapusong Pinoy show sa Amerika kasama sina Marian Rivera, Aiai delas Alas, Christian Bautista, Super Tekla at Donita Nose.

Bukod sa ilan pa niyang commitments, magsisi­mu­la na rin sa Linggo, October 14 ang Studio 7 na kung saan isa sa main hosts ang Asia’s Pop Sweetheart.

Sa totoo lang, apektado rin si Julie Anne sa pagpanaw ng ama ni Benjamin dahil naging close na rin daw siya rito. Pero mas gusto raw niyang tahimik lang ang pagluluksa.

Janine ayaw makisawsaw sa sakitang Elmo-Janella

Natatawa si Janine Gutierrez nang ikuwento sa amin ang love scene nila ni Enchong Dee sa pelikulang Elise na ginagawa nila sa Regal Multimedia.

Nung kinunan daw ang kissing at love scene nilang dalawa, sinabi raw ni Enchong na baka mawalan siya ng isang kaibigan, si Rayver Cruz.

Baka pagselosan nga raw ni Rayver ang mainit na eksena nilang dalawa sa pelikulang iyun. Pero sabi naman ni Janine, na­in­tindihan naman ni Ray­ver ang trabaho nila. Kahit nga sa Victor Magtanggol ay wala namang selos si Rayver kay Alden Richards.

Ngayong matagal-tagal na silang nagsasama ni Alden sa set ng Victor Magtanggol, dun daw niya lalong nakilala si Alden na tila may kahawig din sa karakter ni Victor Magtanggol.

“Parang may similarities din talaga siya kay Victor Magtanggol.

“Natuklasan ko na nakakatawa rin naman pala talaga si Alden. Palabiro pala siya. Malapit siya sa lahat ng tao. Close siya sa cast, sa crew. Kaya magaan yung environment. Happy lang, Ramdam mo yung pag-aalaga niya sa lahat ng tao,” pahayag ni Janine nang nakatsikahan namin sa set ng Victor Magtanggol.

Sinubukan na rin naming tanungin ang Kapuso actress tungkol sa isyu ng ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona kay Janella Salvador.

Maingat ang sagot ni Janine nang hiningan siya ng opinyon tungkol sa diumano’y sakitan isyu nina Elmo at Janella.

“Personally, hindi po siya nangyari sa akin,” tipid na sagot ni Janine.

“Ayoko na po magsalita. Hindi ko po alam kung ano na ang nangyayari sa kanila eh,” dag­dag pa niya.

Wala raw silang komunikasyon ni Elmo, hindi naman sila friends pero wala naman daw siyang masasabi laban sa dating nobyo.

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with