^

PSN Showbiz

Gerald makikipag-trabaho na naman sa mga sundalo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald makikipag-trabaho  na naman sa mga sundalo
Gerald

Sasabak na sa maaaksyong eksena si Gerald Anderson sa teleseryeng Take Life. Gagampanan ng aktor sa bagong proyekto ang buhay ng isang sundalo. “Start na kami ng training and alam naman ng marami na medyo malapit sa puso ko ang military. Excited ako and alam ko po ang pinagdadaanan nila, mga kwento nila, mga pinagdadaanan ng pamilya nila, dito po nila mapapanood sa Take Life. Mas lalo akong na-excite at na-inspire kasi no’ng nag-shoot kami, sabi ko sa sarili ko, ‘Parang maganda ‘to ah.’ Hindi pa kami kasama noon sa military scenes. Wala pa ka­ming nakukuhanan na military scenes,” nakangiting kwento ni Gerald.

Nilinaw din ng aktor na ibang-iba ang Take Life sa Tayong Dalawa na pinagbidahan nila nina Jake Cuenca at Coco Martin ilang taon na ang nakalilipas. “Iba ‘yung Tayong Dalawa na hanggang ngayon hindi pa rin makakalimutan ‘yon. Lalo na ang mga military, dahil marami po ang sumali sa military dahil sa show na ‘yon. Sana itong Take Life, magkaroon kami ng gano’ng effect sa tao pero story-wise, magkaiba siya. Lalo na mas focus ito sa sundalo, kung ano ang mga pinagdadaanan nila,” paliwanag ni Gerald.

Ejay gustong magka-career sa Korea

Kamakailan ay nag-guest si Ejay Falcon sa Korean drama na Where Stars Land. Ayon sa aktor ay ibang klase ang disiplina ng production team ng nasabing programa. “Noong una nangangapa ako, kasi pagka-land ko, pagdating ko doon ng mga four in the morning, sabi ko, ‘Pwede po bang mag-hotel para makaligo?’ Wala raw kasi 6 a.m. call time ko. Kailangan na akong kunan. So walang ligo, wala lahat. Sabi ko, sige gawin ko na. buti na lang ‘yung role ko, depressed, hindi kagwapuhan. So sumakto siya, laput-lapot,” natatawang kwento ni Ejay.

Bago pa tinanggap ng aktor ang proyekto ay nagtanung-tanong muna siya kung paano ang istilo ng pagtatrabaho sa isang Korean drama. “Pinakwento ko muna, kasi alam ko na ang da­ming differences like ‘yung language barrier natin. So ang daming adjustment na gagawin ko. Kaya talagang nag-aral muna ako and kaunting research about K-dramas,” pagbabahagi ng binata.

Malaki ang pasasalamat ni Ejay sa pamunuan ng nasabing K-drama dahil sa pagkakapili sa kanya upang makapag-guest dito. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong mag-audition ng aktor para sa iba pang programa sa Korea. “Sabi ko nga no’ng nando’n ako, ‘Baka pwede naman kung may role pa kayo, mag-audition ako.’ Kasi okay din talaga sa kanila, maganda magtrabaho sa kanila,” pagtatapos ng aktor.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with