^

PSN Showbiz

Glaiza malalim ang akting sa liway

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Glaiza malalim ang akting sa liway
Glaiza

Ang galing-galing sa pelikulang Liway ni Glaiza de Castro, na highest grossing film sa Cine­malaya Film Festival 2018.

Powerful at malalim ang naging pagganap niya sa cha­racter ni Kumander Liway (na isang true to life story) na isang babaeng nakulong noong Martial Law. Bukod doon ay naipakita rin niya ang husay sa pagkanta.

Iba ang acting ni Glaiza at maayos niyang na­gampanan ang character ng isang nanay na nakulong pero hindi sumuko hanggang sa makalaya noong panahon ng Martial Law.

Buntis siya nang dakpin hanggang doon na lumaki ang anak na pinangalanan nilang Dakip.

Ang husay din ng mga symbolism sa pelikula. Powerful at maayos ang pagkakalahad ng detal­ye na ang nagsulat ng kuwento at nagdirek ay si Dakip mismo, ang batang nakulong noon, na nga­yon ay kilalang si Kip Oebanda.

Ang Liway ang no. 1 sa box office, Special Jury Commendation at Audience choice sa natapos ng Cinemalaya. 

Showing din ang Liway starting today sa 40 theaters sa Metro Manila.

Hindi nga lang siya nanalong best actress si Glaiza sa pelikula. Pero I’m sure sa ibang award giving bodies, lalaban siya.

Graded A ng CEB ang Liway.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with