^

PSN Showbiz

Marlo tuloy ang laban sa kalungkutan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marlo tuloy ang laban sa kalungkutan
Marlo

Patuloy na nilalabanan ni Marlo Mortel ang kalungkutan dahil sa pagpanaw ng ina kamakailan dahil sa kanser. Sa ngayon ay ang ama raw ng aktor ang pinakaapektado at labis na nangungulila. “Siyempre minsan malungkot pero nililibang pa rin ni Daddy ‘yung sarili niya. Lalo na wala naman siyang pinagkakaabalahan ngayon. Unlike kami may work, tapos may friends, kaya gina-guide namin siya. Lagi kami lumalabas,” pagbabahagi ni Marlo.

Kabilang ngayon ang binata sa teleser­yeng FPJ’s Ang Probinsyano na kung nabubuhay pa raw ang ina ay labis na ikatutuwa nito. “Sana nakikita niya itong mga nangyayari na ‘to. Alam ko marami pa siyang gusto gawin. Marami pa siyang gustong ma-witness sa akin. Kaya dini-dedicate ko na lang lahat ng ito para sa kanya,” giit ni Marlo.

Samantala, bukas pa rin ang aktor sa posibilidad na muli silang magkatambal ni Janella Salvador sa mga proyekto. Matatandaang unang nagkatambal ang dalawa sa Be Careful With My Heart ilang taon na ang nakalilipas. “Oo naman. Ako never naman ako nagkaroon ng issue with her or with anyone else. Kaya kung sino man ‘yung gusto i-pair with me, it’s okay,” pagtatapos ng binata.

Albie hindi nahihiya, gustong nakikita ang sariling nakahubad

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Albie Casiño para sa teleser­yeng Los Bastardos. Kasamang magbibida ng aktor sa seryeng ito ng ABS-CBN sina Marco Gumabao, Diego Loyzaga, Joshua Colet at Jake Cuenca.

Inaasahan ang paghuhubad ng mga bida sa proyekto at ayon kay Albie ay hindi na ito bago sa kanya. “I did Bench Body. What else can I do on TV that’s more edgy, di ba? So I’m used to it na but if they asked me to do it, parang kung ano lang din ang kailangan ng role. Ako naman din kung hindi naman siya kailangan for the role, bakit ako maghuhubad? Tinitingnan ko kung kailangan ko maghubad dito. Pero at the same time hindi ako nahihiya maghubad,” paliwanag ni Albie.

Mas madalas umanong nagpupunta ngayon ang aktor sa gym upang mapanatili ang magandang pangangatawan. “I like to work out. Fitness is big part of my life. I don’t do it to look nice, just makes me healthier. But I like how I look when I take my shirt off. Like now since kailangan sa show at maghuhubad ka lagi sa show, mas tutok ka na. It’s nice that we all work out, parang we push each other,” nakangiting pahayag ni Albie.

vuukle comment

MARLO MORTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with