^

PSN Showbiz

Pelikula nina Kim, Dennis, Alex… pasok sa magic 8 ng MMFF

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pelikula nina Kim, Dennis, Alex� pasok sa magic 8 ng MMFF
Kim

Maganda at mukhang lalaban sa awards at takilya ang apat na pelikulang pasok sa Metro Manila Film Festival 2018.

Sa labing-anim na finished films na isinumite nung nakaraang buwan, pumili ang MMFF Selection Committee ng apat na pelikulang kalahok at in-announce na kahapon, October 9 sa Club Filipino.

Maaga pa lang ay pinag-uusapan nang na-impress ang buong selection committee sa Rainbow Sunset ni direk Joel Lamangan. Kaya hindi na kami nagulat nang in-announce na pasok ito.

Pasok din ang Mary, Marry Me na prinodyus ni direk Paul Soriano at dinirek ni RC delos Reyes. Bida rito ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Malay natin, baka manggulat na naman ito sa takilya kagaya ng Siargao ni direk Paul last year.

Hindi rin nawalan ang Regal Multimedia dahil napili rin ang One Great Love ni direk Eric Quizon na pinagbidahan nina Kim Chiu at Dennis Trillo.

Kaya masaya na si Mother Lily Monteverde sa darating na Pasko.

Surprise naman ang pagkasali ng pelikulang Otlum na may pagka-horror comedy daw ito na dinirek ni Joven Tan. Tampok dito si John Estrada, Jerome Ponce at ang basketball player na si Ricci Rivero.

Ang lungsod ng Parañaque ang host ng ngayong taong MMFF, at doon sa announcement kahapon, ibinigay na rin ang ruta ng parada na gaganapin sa December 23 bilang hudyat ng pagsisimula ng taunang filmfest.

Ang Gabi ng Parangal ay gagawin sa December 27 at gaganapin sa Solaire Theater.

Direk Chito umaasang mapapabilang sa Oscars

Tiyak na mapapaiyak daw si direk Chito Roño kapag makapasok sa short list ng Oscars ang pelikula niyang Signal Rock.

Short list pa lang ‘yun, malaking bagay na raw sa magaling na direktor dahil 87 foreign films pala ang sumali sa kategoryang Best Foreign Language Film.

Siyam ang pelikulang mapapa­sama sa shortlist, pero lima lamang doon ang pipiliing nominado.

Sabi nga ni direk Chito kahit sa short-list lang malaking bagay na raw iyun sa kanya. “Maloloka na ako dun. Siguro…umiiyak na ako,” bulalas ni direk Chito bago sila umalis pa-Busan International Film Festival na kung saan kasali rin ang Signal Rock.

Bukod sa Busan, kasali rin ang Signal Rock sa isang filmfest sa Culver City sa Los Angeles County, California. Ilan sa mga academy members ay papanoorin din doon ang Signal Rock.

Pumiyok sa bintang na benefactor, Kris hindi nag-stylist, driver, maid para makatipid

Marami ang nagulat kung gaano ba kayaman ang isang Kris Bernal na nakabili na siya ng bahay sa Amerika?

“Matipid kasi ako,” mabilis na sagot ni Kris nang nakatsikahan namin sa presscon ng bagong afternoon drama niyang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA 7 ka­makalawa lang.

Proud ang Kapuso actress sa mga na-invest niya at isa nga sa na-achieve niya ay ang nabili niyang bahay sa West Covina, California.

Pero marami nga raw ang curious kung gaano ba kayaman si Kris na nakakabili na siya ng bahay sa Amerika.

“Hindi ako maraming pera, pero for so long kasi eleven years ko sa industry sobrang tipid ko. Tiniti­pid ko ang sarili ko sa maraming bagay.

“Sabi ko nga wala akong magandang sasak­yan…I mean hindi ako bumibili ng malalaking sasakyan.

“For so long din, wala akong driver, regular sty­list, nag-stylist lang ako pag may events lang.

“Wala akong maid sa bahay, kami-kami lang din. So, ang dami kong tinipid sa life ko para ma-pursue ko yun.

“Deprived ako dun sa mga gusto ko para sa sarili ko. So, naipon yun nang naipon, and yung Mommy ko kasi ang galing din sa pera.

“Kaya yung nakabili kami ng house sa US at na-open ko yung mga business na gusto ko,” pahayag ni Kris.

Sagot niya sa ilang nang-iintriga na baka may financier siya o mayamang benefactor kaya naka­kabili siya ng malaking bahay sa Amerika.

“In all honesty, wala akong financier o benefactor, or even sa dyowa ko wala rin. Hindi siya maluho or whatever. Lahat yun galing sa akin.

“Grabe ako magtipid, grabe ako mag-ipon. Saka yung pera ko talagang naka-time deposit yan, iniiwan ko lang kung saan-saang bank, hanggang sa ilang years na siya. Dun ko naipon lahat yun.

“Hindi ako milyonarya. Tipid ko lang talaga, as in every peso counts. Kaya lahat ng tao na kilala ako, lalo na pag si Aljur dati na pag tinanong nyo kung anong one word that would describe me, kuripot ang word niya,” natatawang pahayag ng bida ng Asawa Ko, Karibal Ko.

Bukod sa food business na binuksan ni Kris, malapit na rin siyang mag-launch ng bagong line of lipstick na binuo niya mula sa isang Korean beauty products.

Pero focused daw muna siya ngayon sa promo ng Asawa Ko, Karibal Ko na magsisimula na sa October 22 pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with