^

PSN Showbiz

Mga nanalo sa Miss World, hulang-hula na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga nanalo sa Miss World, hulang-hula na!

Maganda ang line-up ng mga kandidatang sumali sa Ms. World Philippines 2018 na naglaban nung kamakalawa ng gabi na ginanap sa Newport Performing Arts Theater.

Sa simula pa lang obvious na naglaban ang 1st runner-up Miss Intercontinental na si Katarina Rodriguez at ang winner ng Century Superbods na si Maureen Montagne.

Mukhang umangat sa Q&A si Katarina kaya siya ang hinirang na Miss World-Philippines 2018 na kaya siya ang tutungo sa, China sa December 8, para sa Miss World.

Hindi rin nagpahuli ang anak nina Almira Muhlach at Bong Alvarez na si Alyssa Muhlach Alvarez na napili namang Reina Hispanoamericana.

Ang dating TV5 artist na si Chanel Morales ay na­ging 1st runner-up at siya ang napiling Ms. Photogenic. Kahit papano, lumaban naman siya.

Mataas ang expectations kay Katarina dahil lumaban naman siya nang husto sa Miss Intercontinental 2017, pero naging 1st runner-up lang siya. Naging runner-up din siya sa Asia’s Next Top Model. Kaya sanay na sanay na siyang lumaban sa mga international beauty competition.

Maayos namang nairaos ang Ms. World Philippines na pinangunahan ng national director nitong si Arnold Vegafria.

Minani-mani lang ni Ruffa Gutierrez ang hosting nito, at okay naman sina Carla Abellana at nakaraang taong Miss World Philippines na si Laura Lehmann. Pumalpak lang nang isinama pang host ang Mr. World 2012 na si Francisco Escobar ng Colombia.

Hahawakan ba siya ng ALV Ta­lent Management at pinilit siyang pinag-host? Nagmukha tuloy siyang tanga sa magagaling na sina Ruffa at Carla.

Bandang huli nga ng pageant ay hindi na siya pinagsalita.

Babu na ang hosting career niya!

Masaya ang lahat sa resulta ng winners, pero pagkatapos lang ng awarding, nagulat ang lahat nang narinig nilang may malakas na kalabog na nangyari sa stage.

Ang unang balitang kumalat, isang kandidata ang nahulog, hindi pala.

Isa sa mga staff daw ng sponsor nilang si Cathy Valencia ang bigla na lang nahulog sa stage, kaya nagkagulo roon.

Hindi raw nila ginalaw at baka may mabali pa sa katawan niya.

Kaagad namang may dumating na Paramedics kaya naisugod ito sa hospital.

Na-check namin kahapon, okay na raw ito. Pero nasa hospital pa raw ito as of yesterday.

Pagkatapos ng Miss World Philippines ay pipili naman ng Mr. World Philippines na hindi itinuloy nung nakaraang September 15 dahil sa bagyong Ompong.

Sa October 24 na itutuloy ang pageant night na gaganapin din sa NPAT ng Resorts World Manila.

Geoff biglang na-los sa pagbalik sa ABS-CBN

Katatapos lang ni Geoff Eigenmann ng Contessa sa GMA 7, kaagad siyang nakalipat ng ABS-CBN 2.

Kasali siya agad sa Los Bartados na malapit na rin yatang magsimula.

Marami ang nakapansin na wala sa mga publicity photos si Geoff. Kahit nga sa grupo ng Los Bastardos na magpa-picture daw sana nung nakaraang ABS-CBN Ball, waley din siya dahil kaagad daw umalis.

Totoo bang kahit daw sa pictorial ng Los Bartados ay bigla rin siyang nawala.

Tinawagan daw ito ng mga kasamahan niya, wala na raw siya sa studio. Umuwi na raw ito. Kaya naging biruan na raw nilang tawagin si Geoff na ‘Lost Bastardos’.

Tinanong ko ang mga taga-PPL na alam kong nagma-manage sa aktor, dun ko na lang nalamang wala na pala siya sa kuwadra ng talents ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan.

Bakit kaya?

 

vuukle comment

MS. WORLD PHILIPPINES 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with