^

PSN Showbiz

KathNiel iniisipan pa ng susunod na serye

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
KathNiel iniisipan pa ng susunod na serye
Katniel

Kapamilya’s young singer-actor Daniel Padilla returns to the Big Dome (Araneta Coliseum) for his 4th major concert billed as D4: Daniel Padilla Back at the Araneta sa dara­ting na Sabado, October 13, 2018.

Ang pagsabak sa concert stage ni Daniel ay kanyang sinimulan in 2013 sa pamamagitan ng Daniel Live: A Birthday Concert na sinun­dan nung 2014, ang Dos: Daniel on Stage at pangatlo nung 2015 sa pamamagitan ng Most Wanted. Dapat sana’y ba­balik siya sa Ara­neta Coliseum last Febuary 2017 sa pamamagitan ng DJ Classics: Back at the Ara­neta pero hindi na ito itinuloy dahil sa kanyang very tight schedule.

Mula sa kanilang mega hit movie na The Hows of Us na pinagtambalan nila ng kanyang sweetheart at ka-loveteam na si Kathryn Bernardo na dinirek ni Cathy Garcia-Molina for Star Cinema, itong nalalapit na major concert naman ang pinagkakaabalahan ngayon ni Daniel.

Samantala, ang tambalan nina Daniel at Kathryn ay maituturing na hottest loveteam sa kasalukuyan na nabuo in 2012 nang magtambal sila  sa late afternoon TV series na Princess and I at ito’y sinundan ng tatlo pang successful TV series, ang Got To Believe, Pangako sa `Yo at ang horror-fantasy-drama na La Luna Sangre. Although magtatapos na ang 2018, hindi pa malinaw kung may bagong serye na pagbibidahang muli ang dalawa.

Pagdating naman sa pelikula, unang nagbida ang dalawa in 2013 sa pamamagitan ng Must Be Love na sinundan ng Pagpag: Siyam na Buhay, She’s Dating the Gangster, Crazy Beautiful You, Barcelona: A Love Untold, Can’t Help Falling In Love at itong The Hows of Us na palabas pa rin in some theaters nationwide. Labas pa rito ang screening ng pelikula sa iba’t ibang bansa.

Kung hindi kasama ni Daniel si Kathryn sa 2017 Metro Manila Film Festival movie na Gandarrapido: The Revenger Squad, si Daniel naman ang hindi kasama ni Kathryn sa balik-tambalang pelikula nina Sharon Cuneta at Richard Gomez, ang Three Words to Forever na pinamamahalaan ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema at nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan.

Karen susubukang iuwi ang korona

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sa Pilipinas gaganapin ang ika-47th Miss International beauty pageant at ito’y magaganap on January 26, 2019 sa MOA Arena na lalahukan ng 80 candidates mula sa iba’t ibang bansa at kasama na ang Pilipinas kung saan ang kinatawan ay ang 2018 Bb. Pilipinas Intercontinental winner na si Karen Gallman.

Sisikapin ni Karen na maiuwi ang korona na kamuntik maiuwi ng Pilipinas nung isang taon ni Katarina Rodriguez na siyang nanalong 1st runner up na ang kinatawan ng Miss Russia na si Valentina Rasulova ang nanalo. Ang 2017 crown naman ay nakuha ng Mexico (their first win) na si Veronica Salas Vallejo.

Hindi nakakapag-uwi ang Pilipinas ng korona sa Miss International.

Simula sa Enero 8, 2019 ay isa-isa nang magsisidatingan sa Pilipinas ang mga kandidata. Kasama sa Miss Intercontinental events ang Filipiniana Night at Philippine Designers Night kung saan ang 80 kandidata ay magsusuot ng iba’t ibang disenyo ng Filipiniana at formal evening gown na gawa ng mga Filipino fashion designers.  One thousand US dollars ($1,000) ang makukuha ng fashion designer na siyang mananalo in Filipiniana gown bukod pa sa plaque of appreciation na magmumula sa MIO. Lahat ng mga couturier na lalahok ay tatanggap ng Plaque of Appreciation mula sa Miss Intercontinental Organization.

Ang 2018 Miss Intercontinental ay sa Tokyo, Japan sana gaganapin pero dahil sa paghahanda ngayon ng Japan for the 2020 Summer Olympics ay wala umano silang makuhang malaking venue for the pageant kaya nagdesisyon silang sa Pilipinas na ito ganapin na first time mangyayari.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with