^

PSN Showbiz

Bong tuloy na uli sa Senado!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bong tuloy na uli sa Senado!
Bong

Elections 2019

Nakausap ko kahapon ang kapatid ng da­ting Sen. Bong Revilla Jr, na si Andeng Ynares, dagdag na dasal lang daw ang kailangan ng buong pamilya. Kaugnay ito sa lumabas na balitang tatakbo na si Sen. Bong sa 2019 mid-term elections.

Kinumpirma na mismo ng mga kapartido ni Sen. Bong na magpa-file ito ng kanyang candidacy sa susunod na linggo.

Kaya inaabangan na ‘yan ng lahat.

Sabi ni Andeng, matagal daw na pinag-usapan ng buong pamilya at hinihintay daw nila ang desis­yon ng Daddy nila, ang dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Basta solid ang buong pamilya sa muling pagpasok ni Sen. Bong sa pulitika.

Ang dami kasing nagkumbinse sa kanya, dahil hindi naman siya nawawala sa survey. Kaya napa-oo na rin siya ngayon.

Hindi ko pa nakausap si Sen. Bong, pero sabi nga ng mga kapatid niya, gusto lang talagang mapatunayan ng dating senador na mali ang mga ibinintang sa kanya.

Napatunayan na nga raw na may mga bumaligtad na at umayon na sa kanyang panig ang mga pahayag ng ilang witness.

Kaya hintayin na lang natin next week sa filing of candidacy dahil marami naman ang nagbigay ng suporta, kahit meron ding patuloy pa ring tumutuligsa sa kanya.

Hiwalayan nina Romnick at Harlene matagal nang alam ng kanilang mga kaibigan

Two weeks ago pa namin narinig ang isyung hiwalayan nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Hindi lang namin matanong sa anak nilang si Zeke Sarmenta nung nagkaroon ng cast party ang Rainbow Sunset ng Heaven’s Best Entertainment.

Parang ayaw pa kasi namin maniwalang totoo ang balita.

Ilan kasing mga kaibigan ng mag-asawa ang nagkuwento sa aming kapag tinatanong mo raw si Harlene tungkol kay Romnick, ngumingiti lang ito.

Nakakaduda na raw ang reaksyon nila kapag natata­nong silang dalawa.

Mas naka-focus na lang daw ngayon si Harlene sa pagpo-produce ng pelikula.

Isa na nga rito ang obra ni direk Joel Lamangan na Rainbow’s Sunset na isinumite nila sa Metro Manila Film Festival.

Proud si direk Joel sa pelikulang ito dahil nasunod daw ang gusto niyang mangyari sa pelikulang iyun.

Kakaibang gay movie ito na tinatampukan nina Eddie Garcia at Tony Mabesa.

Pero naaliw siya sa eksenang laplapan nina Eddie at Tony na ginampanan ng dalawang theater actors na sina Shido Roxas at Ross Pesigan.

Binigyan daw niya ng instruction ang dalawang aktor na kailangang laplapan talaga silang dalawa.

Pagsigaw daw niya ng aksyon, laplapan daw agad ang dalawa.

“Alam mo, hindi ko na-cut…napanood ko halikan talaga sila,” natatawang kuwento ni direk Joel nang nakatsikahan namin sa presscon ng Pamilya Roces.

Ang assistant director daw niya ang nag-remind sa kanya na i-cut na.

Siyempre, hindi naman daw niya mailabas lahat ‘yun dahil ayaw naman daw ni direk Joel na ma-R 18 sila.

Hindi naman din daw iyun ang dapat abangan sa pelikula, kundi ang kuwento na pampamilya.

Regine may huling birit...

Inaasahang patuloy pa ring susuportahan ang The Clash sa kanilang concert na mapapanood na mamayang gabi at bukas, Linggo.

Ito na nga kaya ang huling kanta ni Regine sa GMA 7?

Kasama kasi si Regine sa bonggang concert na ito ng mga finalists ng The Clash at grand champion na si Golden Cañedo.

Tinawag nila itong The Clash, Ang Concert Para sa Lahat!, makakasama rin nila dito ang The Clash panelists na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at AiAi delas Alas.

Special guest din naman sina Julie Anne San Jose, Jeric Gonzales, Donita Nose, Tekla, The Aegis Band at Kyline Alcantara.

Pagkatapos nito ay susunod na ang bagong musical show na Studio 7 na magsisimula na sa October 14.

vuukle comment

BONG REVILLA JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with