^

PSN Showbiz

Robi, Gretchen at Alyssa bibisitahin sina Tina at Janine sa UST campus

Pilipino Star Ngayon
Robi, Gretchen at Alyssa  bibisitahin sina Tina at Janine  sa UST campus

MANILA, Philippines — Maliban sa mga magagaling na doktor, nars, at atleta, kilala rin ang Unibersidad ng Santo Tomas sa mahabang listahan ng mga beauty queen na minsan ay nag-aral doon. Kabilang na dito sina 2012 Miss Universe 1st runner up at fashion model na si Janine Tugonon at ang 2011 Bini­bining Pilipinas candidate at kasalukuyang ABS-CBN News anchor na si Tina Marasigan.

Makakasama sila nina Robi Domingo at Gretchen Ho ngayong Sabado sa S+A sa University Town, (U-Town) kung saan ibabahagi nila ang mga karanasan at mga natutunan nila noong sila ay estudyante ng UST na nagdala sa kanila sa tagumpay.

Samantala, lilibutin rin nina Robi at Gretchen ang UST campus para sa mga sikat nitong puntahan tulad ng Arch of Centuries, kung saan pinadadaan ang mga bagong pasok sa kolehiyo bilang tradisyon. Makakausap din nila ang mga “Campus Lodi” mula sa Butil Program, na binubuo ng mga dating iskolar na nga­yon ay nagpapaaral sa mga tulad nilang na­nga­ngailangan ng suporta.

Mapapasabak naman sa poomsae si Alyssa Valdez na makakasama ang kampeon ng UAAP sa nasabing sport mula sa UST, na naghari muli sa UAAP bilang overall UAAP champion noong UAAP Season 80.

Panoorin ang U-Town kasama sina Robi, Gretchen, at Alyssa sa kanilang pagbisita sa UST ngayong Sabado, 3pm sa ABS-CBN S+A at S+A HD.

vuukle comment

GRETCHEN HO

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with