Rocco laging naka-underwear
SEEN: Last minute na nanghiram si Jasmine Curtis Smith ng gown mula sa fashion designer na si Francis Libiran dahil hindi niya alam na formal wear ang required na isuot ng cast members sa media conference ng Pamilya Roces noong Miyerkules. May pa-GMA Ball ang GMA 7 sa presscon.
SCENE: May valid reason si Rocco Nacino na i-flaunt ang katawan nito sa Pamilya Roces dahil kung hindi topless, underwear ang suot niya sa kanyang mga eksena.
SEEN: Ngayon ang huling Biyernes sa telebisyon ng Inday Will Always Love You ng GMA 7. Ang Pamilya Roces na drama comedy rin ang genre ang ipapalit ng Kapuso Network sa Inday Will Always Love You.
SCENE: Sinuportahan ng mga kababayan nila sa Cavite ang Tres, ang action movie ng Imus Productions na tinatampukan ng magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi Revilla.
SEEN: Sina Isko Moreno, Sheryl Cruz at Gloria Romero ang mga celebrity na malalapit kay German Moreno na dumalo sa inauguration kahapon ng German Moreno Studio, ang dating Studio 6 ng GMA Network Inc. Mga host ng programa si Jackie Lou Blanco at ang apo ni German, ang archer na si Gabriel Moreno.
SEEN: Ang taos-puso na pasasalamat ni MTRCB Board Member Federico Moreno sa GMA Network Inc. management dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga ng Kapuso Network sa kanyang ama na namayapa.
SCENE: Baby girl ang ipinagbubuntis ni Rich Asuncion at Isabella ang ipapangalan niya sa panganay nila ng kanyang rugby player husband na si Benj Mudie.
- Latest