^

PSN Showbiz

Young actor parang matandang mabaho ‘pag in love

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung totoo ang mga kuwentong lumulutang tungkol sa isang kilalang young actor ay isa lang ang masasabi ng mga makakarinig—napakabata niyang naging D. O. M..

?Bagets pa siya, pero kung makapagregalo pala sa kanyang girlfriend ang young actor ay parang wala nang bukas, puro branded ‘yun at kahit walang okasyon ay regalo kung regalo siya sa maganda niyang karelasyon.

?Kuwento ng aming source, “In fairness, hindi naman bilmoko ang girlfriend niya, kaya namang bumili nu’n ng kahit anong gusto niya, pero ang young actor talaga ang mahilig magregalo.

?“Para bang kaligayahan na niyang mabigyan ng gift ang girlfriend niya, parang ibang-iba ang feeling niya kapag nakikita niyang ina-appreciate ng girl ang regalo niya.

?“’Yun na ang nakahiligan ng guy, basta naisipan niyang bigyan ang girl ng mamahaling stuff, go na agad siya!” natatawang kuwento ng aming source.

?Malaking bahagi ng talent fee ng young actor ay napupunta sa mga kagamitang ipinangreregalo niya sa kanyang girlfriend. Bongga talaga siyang magregalo, mamahalin, yayamanin na rin kasi ngayon ang bagets actor.

?Balik-kuwento ng aming impormante, “Ang girl na nga ang nagpapayo sa kanya na mag-ipon, huwag bili nang bili ng mga regalo, dahil kahit wala naman ang mga gifts na ‘yun, e, mahal na mahal siya ng girlfriend niya.

?“Pero ayaw pa ring papigil ng bagets, kapag may nakikita siyang mga stuff online, order na siya agad para sa girlfriend niya. Basta, gustung-gusto niyang nakikitang masaya ang girl.

?“Mahilig din siyang bumili ng mga gamit na terno sila ng girl, pang-his and her, kaya maraming nakakapansin na kung ano ang meron ang guy, meron din siyempre ang girl.

?“Kumikita naman kasi ang bagets nang sobra-sobra sa mga kailangan niya, hindi rin naman niya pinagdadamutan ang family niya, kaya wala silang masasabi kung mahilig man siyang magregalo sa girl.

?“May mga nagko-comment na napaaga raw ang pagiging D. O. M. ng bagets, pero wala siyang pakialam, ang pinakamahalaga para sa kanya, e, napapasaya niya ang babaeng mahal na mahal niya.

?“Kapag nasa ibang bansa sila, e, shopping kung shopping ang bagets actor, ganu’n siyang magmahal, walang pakialaman, masuwerte ang girl sa boyfriend niyang napaka-generous, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Mocha napilitan lang Mag-resign!

Bali na ang pakpak ni Mocha Uson, pero sa halip na magpakumbaba, kaangasan at kayabangan pa rin ang kanyang pinaiiral nang magbitiw siya bilang assistant secretary ng PCOO.

?Kung tutuusin ay matagal nang hinihiling ng taumbayan ang kanyang pagre-resign, huli na ang kanyang deklarasyon, kailangan na talaga siyang mawala sa PCOO bago pa bumaho nang bumaho ang sangay ng gobyerno nang dahil sa kanya.

?Sangkatutak na fake news na ang kinasangkutan ni Mocha Uson, kung anu-anong pambabalahura na ang pinalutang niya sa publiko, dapat at karapat-dapat lang siyang lumabas na bilang bahagi ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

?At sa opinyon namin ay hindi boluntaryo ang kanyang pagbibitiw, ipinagtulakan siyang mag-resign na ng malalaking taong itinuturing niyang pader, hindi ang klase ni Mocha Uson ang basta na lang hihiwalay sa laylayan ng kakarampot na kapangyarihang ibinigay sa kanya.

?Nasarapan si Mocha sa atensiyong nakukuha niya, gustung-gusto niya ang titulong assistant secretary ng PCOO, pero sorry na lang dahil kung pababayaan pa siya ni Pangulong Duterte sa naturang ahensiya ay indulto lang palagi ang kanilang kahahantungan.

?Nagmalabis si Aling Mocha. Kung makaasta siya ay parang wala nang bukas. Ang nakatatak kasi sa utak niya ay hindi siya mawawala sa posisyon dahil palagi siyang ipinagtatanggol at kinakandili ng pangulo.

?Pero dumating na ang panahon na kailangan nang kalusin ang kanyang pagmamalabis. Hindi na siya asset ng pamahalaan, isa na siyang malaking kahihiyan, kaya kailangan na niyang magbitiw.

?At ganu’ng wala na nga siyang upuan sa pamahalaan ay nag-uumapaw pa rin ang kanyang kayabangan. Uupakan daw niya ang mga trapo, lalabanan daw niya ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno, look who’s talking nga naman!

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with