^

PSN Showbiz

Elizabeth umaming nakipagtanan noon sa kapatid na si Phillip

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Elizabeth umaming nakipagtanan noon sa kapatid na si Phillip
Elizabeth

Nilinaw namin kay Elizabeth Oropesa kung siya nga ba ang aktres na tinutukoy sa blind item na nakarelasyon ang isang premyadong aktor pero hindi tinuloy dahil magkapatid daw pala sila.

Nakausap namin ang magaling na aktres sa presscon ng bagong family drama ng GMA 7 at nagkaroon kami ng pagkakataong itanong ito sa kanya.

Kaagad naman niyang inaming si Phillip Salvador pala itong aktor na nakarelasyon niya at muntik na raw silang magtanan.

Pinigilan daw sila dahil nga sa nakarating na kuwentong si Lou Salvador ang tunay niyang ama.

“Hindi naman inamin pero nagkagulo nung nagtanan kami. Binawi ako,” napapangiting kuwento ni La Oro.

“Si Kuya Leroy ang hinimatay-matay nun because of what happened.

“Pinaglayo kami, and si Kuya Leroy…palagi yan nandiyan. Kahit anong nangyari sa buhay ko, nandiyan siya,” dagdag niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung magkapatid nga ba sila sa ama ni Kuya Ipe.

“I must be a Salvador,” seryoso niyang sagot sa amin.

“As far as I can remember, bata pa ako, pag may mga malaking okasyon, nandun ako. Si Papang (Lou Salvador), nandun ako.

“Palagi ako kay Papang when I was young,” sabi pa ni La Oro.

Natatawa nga raw siya rito sa serye niyang Pamilya Roces dahil sobrang nakaka-relate siya bilang nagkaroon daw siya ng asawang meron ding maraming asawa.

Si Meng Fei nga ang tinutukoy niyang meron pa raw pala itong tatlong dyowa na may mga anak.

Aware raw siya at siya pa nga raw ang tumatayong administrator na siyang nagbibigay ng allowance sa ibang pamilya.

“Alam mo kasi, pag ikaw ang first, ikaw talaga ang senora. Igagalang ka.

“Lahat na special occasion na totoo, ikaw ang dala-dala. Hindi puwedeng pumiktyur ang mga dyo­bets.

Pumayag na ako kasi ang dami-dami niyang datung. Wala akong problema sa datung. Saka I thought, siya na ang forever ko, So, payag na ako ng ganun,” saad ni Elizabeth.

Pero nagkahiwalay din nga sila.

Sa October 8 na pagkatapos ng Onanay magsisimula ang Pamilya Roces na tinatampukan din nina Roi Vinzon, Gloria Diaz, Carla Abellana at ito bale ang first drama sa Kapuso network ni Jasmine Curtis.

Tres ng Revilla Brothers pinipirata na agad

Hindi gaanong malakas ang mga pelikulang nagbukas nung nakaraang Miyerkules, October 3 pero happy na si Jolo Revilla at mga kapatid niyang sina Bryan at Luigi sa first day earning ng pelikula nilang Tres.

Umaasa silang pi-pick up pa ito dahil pambarako talaga ito na lalabas pa sa weekend.

Ang ikinalungkot lang nila pati ang mga taga-Imus Productions may nahuhuli palang nag-camcording sa pelikula.

May nakarating na report sa kanila na may nahuling nag-camcor­ding sa SM Fairview, kaya ikinulong daw iyun.

Kaya nakiusap sina Jolo na sana itigil na talaga ang pamimirata.

Puspusan pa rin ang pag-iikot nina Jolo sa mga sinehan para i-promote ang pelikula.

Kahapon ay nasa Pangasinan si Jolo para daluhan ang block screening para sa kanilang pelikula.

Bukas ay nasa Naga siya na kung saan may anim na sinehan doon pagla­labasan ng Tres.

Sa Iloilo naman sina Bryan at Luigi Revilla, at sa Linggo ay nasa Cebu at Davao naman sila.

Natutuwa si Jolo kapag may mga nag-react sa pag-apir ni Lovi Poe sa bandang ending ng pelikula.

Kaya malamang na magkakaroon ng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa.

vuukle comment

ELIZABETH OROPESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with