^

PSN Showbiz

Mang Ramon pinaramdam na gumagana pa ang agimat

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mang Ramon pinaramdam  na gumagana pa ang agimat

Bilib na talaga ako kay former Senator Ramon Revilla, Sr. dahil nakadalo pa siya sa grand premiere night ng Tres sa SM Megamall Cinema noong Linggo.

Convinced na ako na may agimat si Mang Ramon na kahit nakaupo na sa wheelchair, nakuha pa rin niya na lumuwas sa Mandaluyong City mula sa Cavite para suportahan ang comeback movie ng Imus Productions, ang film company na kanyang itinatag at gumawa noon ng mga blockbuster action movie na siya ang bida.

Kung wala sigurong nararamdaman si Mang Ramon, puwedeng-puwede siya na magkaroon ng special appearance sa pelikula na pinagbibidahan ng kanyang mga apo na sina Bryan, Jolo at Luigi Revilla.

I’m sure, proud na proud si Mang Ramon habang pinapanood nito ang Tres dahil sa importansya na ibinigay ng kanyang mga apo sa legacy niya sa Philippine movie industry.

Nakumpleto sana ang kaligayahan ni Mang Ramon kung present si Bong Revilla, Jr. sa premiere ng Tres.

Revilla brother nag-effort sa promo ng Tres

Ngayon ang opening day ng Tres sa cinemas nationwide.

Positive ang mga feedback at reviews sa Tres kaya confident ako na tatangkilikin ng moviegoers ang comeback movie ng Revilla brothers na ang sipag-sipag mag-promote ng pelikula nila.

Naikot yata nina Bryan, Jolo at Luigi ang lahat ng mga live show ng ABS-CBN at GMA 7 dahil nakapag-promote sila sa Gandang Gabi Vice, Eat Bulaga, Magandang Buhay, Wowowin at pati sa MOMents, ang lifestyle show ni Gladys Reyes sa Net25.

Nakakatuwa ang Revilla brothers dahil naglaan sila ng panahon para sa promo ng Tres. Inayos nila na mabuti ang kanilang mga schedule para sama-sama sila na umapir sa mga show ng ABS-CBN at GMA 7.

Ginastusan ng Imus Productions ang lahat ng mga eksena ng Tres.

Siyempre, pinakamahal ang 72 Hours, ang episode na tinatampukan ni Jolo Revilla dahil malalaki ang mga eksena at  bongga ang mga sasakyan na pinasabog.

Mala-Bruce Willis naman si Bryan sa Virgo episode ng Tres. Si Richard Somes ang direktor ng Virgo at saludong-saludo siya kay Bryan dahil sa performance na ipinakita nito.

Lumitaw ang pagiging dramatic actor ni Luigi sa Amats at napakinabangan niya sa pelikula ang kanyang husay sa martial arts.

Sayang dahil wala si Markki Stroem sa grand presscon ng Tres. Chance na sana na makausap si Markki ng entertainment writers tungkol sa kanyang ngipin na nabungi na hindi sinasadya na tinamaan ng deadly kick ni Luigi.

Isang araw lang na nag-shooting si Markki para sa Amats episode ng Tres kaya siguro hindi na siya nag-abala na dumalo sa presscon.

Marco tumodo sa broken hearted

Dalawang Tagalog movies ang magbubukas ngayon sa cinemas nationwide, ang Tres ng Imus Productions at Para sa Broken Hearted na applauded ng audience na dumalo sa premiere ng pelikula ng Viva Films.

Leading men sa Para sa Broken Hearted sina Marco Gumabao at Sam Concepcion.

Pinalakpakan si Marco sa confrontation scene nila ni Shy Carlos dahil bigay na bigay ang acting niya.

Hindi makapaniwala ang audience na may ibubuga sa akting si Marco na hinahasa ng Viva Films bilang leading man.

Kung pagbabasehan ang reaksyon ng manonood sa performance ni Marco, hindi nagkamali ang Viva Films bosses sa plano na i-build up siya bilang next important actor ng henerasyon niya.

Nagpakitang-gilas din sa Para sa Broken Hearted si Sam na may anggulo na kamukhang-kamukha ni John Lloyd Cruz.

vuukle comment

SR.

RAMON REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with