^

PSN Showbiz

Alice kinukumpara sa miss Q & A winner

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Alice kinukumpara sa miss Q & A winner
Alice a Juliana

Arci female version daw ni BB Gandanghari

SEEN: Unfair na ikumpara si Alice Dixson sa Miss Q & A winner na si Juliana Parizcova Segovia nang dumalo siya sa ABS-CBN Ball noong Sabado. Di-hamak na mas maganda at mukhang babae si Alice kesa kay Segovia. 

SCENE: Hindi kasama si Regine Velasquez sa pagrampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball ng mag-amang Ogie at Leila Alcasid. Tama ang ginawa ni Regine dahil hindi niya inagawan ng eksena ang kanyang asawa at stepdaughter.

SEEN: Kawawa si Alora Sasam dahil sa rude comment na para siyang gasul sa kanyang blue gown na suot nang rumampa ang comedienne sa ABS-CBN Ball red carpet.

SCENE: Solo flight si Janella Salvador sa ABS-CBN Ball at missing in action ang kanyang boyfriend na si Elmo Magalona. May mga speculation na hindi nagkabalikan ang dalawa matapos pumutok ang balita na diumano, sinaktan ni Elmo si Janella dahil sa sobrang kalasingan.

SEEN: Bukod sa hinala na hindi nagkabalikan sina Elmo at Janella, may mga haka-haka na sinadya ng aktor na huwag dumalo sa ABS-CBN Ball para hindi siya tanungin ng press tungkol sa fateful incident na nangyari noong September 8, 2018.

SEEN: Sinulit ni Vice Ganda ang pagdalo sa ABS-CBN Ball dahil dalawang beses siya na nagpalit ng damit. Malakas maka-Game of Thrones ang itsura ni Vice Ganda sa party na pinuntahan niya.

SCENE: Couple of the Night sa ABS-CBN Ball sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Palabas pa sa mga sinehan ang pelikula nina Angelica at Carlo. Makakatulong sa promo ng pelikula nila na pinipilahan sa box office ang Couple of the Night award na kanilang napanalunan.

SEEN: Female version ni BB Gandanghari si Arci Muñoz. Kasing-ganda si Arci ng transgender women contestants ng Miss Q & A sa red carpet ng ABS-CBN Ball.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with