^

PSN Showbiz

Alice inirereklamo ang kakaibang ugali sa taping!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Alice inirereklamo ang kakaibang ugali sa taping!
Alice

SEEN: Mukha nang sakitin si Jasmine Curtis Smith dahil sumobra na ang kapayatan niya. Dapat madagdagan ng timbang si Jasmine dahil nakaka-mature ng itsura ang current weight niya.

SCENE: Spotted sa isang mall sa Taguig City si Rich Asuncion at ang kanyang rugby player husband na si Benjamin Mudie. Malaki na ang tiyan ni Rich sa magiging panganay nila ni Benjamin.

SEEN: Sa March 2019 pa ang due date ni Rochelle Pangilinan pero hindi na maitago ng maluluwag na maternity dress ang ipinagbubuntis niya, ang panganay nila ni Arthur Solinap.

SCENE: Ngayon ang huling Sabado sa telebisyon ng The Clash, ang singing competition ng GMA 7 na magwawakas bukas. Ang The Clash ang huling programa ni Regine Velasquez sa Kapuso Network.

SEEN: Nagpatayo ng karnabal sa Bulacan ang Star Cinema para sa mga eksena ng Fantastica, ang comedy movie ni Vice Ganda na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

SCENE: Excited si Matteo Guidicelli dahil ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo ang date niya ngayong gabi sa Star Magic Ball sa Makati Shangri-La. Masaya si Matteo para kay Sarah dahil sa unang beses na pagdalo nito sa much-awaited event ng Star Magic at ABS-CBN.

SEEN: Live na mapapanood sa Lifestyle at Metro Channel ang red carpet ng Star Magic Ball 2018, ang annual star-studded event ng Kapamilya Network.

SCENE: Dapat makarating sa kaalaman ni Alice Dixson ang mga balita na nagiging problema siya sa set ng Ngayon at Kailanman ng ABS-CBN para maipagtanggol niya ang kanyang sarili. Hindi ito ang unang beses na may lumabas na reklamo tungkol sa diumano’y attitude ni Alice sa trabaho.

SEEN: Namataan si Kiray Celis sa bakuran ng GMA 7 kaya may mga nagtatanong kung gaya ni Rayver Cruz, lilipat na ba rin siya sa Kapuso Network?

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with