^

PSN Showbiz

Maricris mas gustong kasama ang mister kesa magka-career sa abroad

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maricris mas gustong kasama ang mister kesa magka-career sa abroad
Maricris

MANILA, Philippines — Naka-11 years na pala sa showbiz ang singer na si Maricris Garcia.

At tonight nga magaganap ang major solo concert ng Kapuso diva na pinamagatang MAR1CR1S  sa Teatrino in Greenhills.

Babalikan sa concert ang mga nagdaang 11 taon ng singer sa industriya at nangakong pupunuin ng de kalibreng performances. Sariling konsepto ng Kapuso diva ang kanyang concert na isinabuhay naman ng director na si Mar Lopez.

“The show is going to be more of a story telling type. I want to share my journey since I started my career up to the present, as well as my personal life, my music influences, and more,” kuwento ni Maricris na walang planong magka-career abroad or tularan ang ginagawa ng mga kapanabayan niya sa La Diva na sina Jona and Aicelle Santos.

Makakasama niya sa nasabing concert sina Nar Cabico, Mark Bautista at Ms. Regine Velasquez.

Kasabay na nito ang birthday celebration and blowout niya for her fans na hindi siya iniiwan.

At ito, kasama siya sa producer ng concert. Thankful siya na marami ang sumuporta sa kanya, “During the first few months of planning, everything was easy. But as the days go by I’m started to feel the pressure and the stress. Good thing I have Artist Center and a few people who offered their help in making this concert possible,” pag-amin ng singer almost a year pa lang nakakasal kaya nae-enjoy na sila muna ng husband niya ang magkasama.

Ngayon nga ay mas luma­lim ang pagmamahal niya sa mu­sika at nagpapasalamat sa pagkakataong ibahagi ito sa maraming tao. “I want to let them know that I’m still here and I will always be here, singing,” sabi niya na umamin ding nag-try siyang mag-audition for musical theater pero sa tuwing naka-sched na ang rehearsal ay may kasabay na work kaya laging nauudlot.

Next year ay gagawa siya ng bagong kanta na itataon niya ang release sa Valentine’s.

Anyway for ticket sa concert niya tonight, please call 0197-850 8747 o sa Teatrino with telephone numbers 02-7412949 local 116. Nagkakahalaga ito ng P1,8000 para sa VIP, P1,300 sa Orchestra and P800 naman for Balcony.

By the way, sana nga ay mahanapan siya ng ibang title (Powerhouse Diva) dahil may ilang nagpo-protest sa social media na nauna na sa nasabing title ang singer na si Dessa.

Nung panahon pa nga naman ni tito Boy Abunda, Powerhouse Diva na ang tawag kay Dessa.

Siguro mas bagay kay Maricris ang may tunog millenial.

Pamilya ng actor, alak ang nilalantakan sa almusal4

 “The family that drinks together, stays together”

‘Yan daw ang malamang na motto ng pamilya ng aktor ayon sa isa nilang neighbor na madalas maka-witness sa inuman ng mga lalaki sa kanilang pamilya.

Yup, ayon sa isang source, in the morning daw kasi ay nagwa-walking siya sa kanilang village at siyempre bilang neighbor nga nila itong si actor, nasisilip daw nila ang mga kilos nito umaga pa lang. At ‘yun nga, early in the morning, alak na ang kasalo ng ilang miyembro ng pamilya nito.

Coffee ang usually kasalo ng karamihan sa umaga, pero ito raw pamilya ng aktor, alak ang kaharap paggising.

vuukle comment

MARICRIS GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with