^

PSN Showbiz

Gary V, susubok na uling mag-concert

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gary V, susubok na uling mag-concert
Gary

Bukas ng gabi na gaganapin sa Shangri-la Hotel Makati ang kauna-unahang ABS-CBN ball. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakadalo si Gary Valenciano sa nasabing event kaya masayang-masaya ang singer.

“I’m excited kasi parang I think everyone is coming. Dati kasi di ba Star Magic Ball but this time ABS-CBN Ball, which I feel na talagang nagpapatunay na Kapamilya tayong lahat and everybody, I think will be there. Everybody is excited to look their best and to feel their best,” nakangiting bungad ni Gary.

Isasama ni Mr. Pure Energy ang asawang si Angeli Pangilinan-Valenciano sa malaking event na ito ng Kapamilya network.

“I’ll be with my wife Angeli. Hindi ko lang alam kung pupunta sina Paolo, Gabriel and Kiana (mga anak ni Gary at Angeli). But I think this will be really something special for me and Angeli,” pagtatapat ni Gary.

Samantala, pinaghahandaan na ng singer ang isang concert matapos sumailalim sa isang heart surgery kamakailan. “I’m doing great, balik ako sa paggi-gym, balik ako sa pagba-bike and balik ako sa pagko-concert this October 13 sa Xavier. It’s my first full-length concert. Susubukan ko lang kung kaya ko na ulit after everything,” pagtatapos ng singer.

Elisse may mga natutuhan bago nakalipat sa bagong condo

Nakalipat na si Elisse Joson kasama ang pamilya sa bagong condominium unit na nabili ng aktres. Matagal na raw talagang pinapangarap ng dalaga na makabili ng sariling bahay para sa pamilya. “Dream ko talaga magkaroon ng bahay na sariling sikap, na ako magpapagawa someday, na ako mag-iipon para magkaroon ng bahay ang family ko and this time is not yet there. Our place is not a house yet, condo siya,” kwento ni Elisse sa kanyang video blog.

May mga bagay na natutunan ang aktres noong mga panahong inaayos pa lamang ang nabiling condo unit. “The whole processing of papers, ‘yung renovations, ‘yung pagpapaayos ng lahat-lahat. I was too focused on the big thing, on the big main goal that I had. I was forgetting the small things that I actually accomplished. So ang nangyari habang nakikita ko ‘yung improvement na nagsimula sa plain small condo unit at unti-unting iniiba ‘yung walls, ‘yung floor. It made me realized na ‘yung dream ko talaga, hindi lang naman basta magkaroon ng bahay. ‘Yung dream ko talaga magkaroon kami ng lugar na pwede naming uwian na kumportable, na safe. Sabi ko sa sarili ko I was too focused on the one end goal. I didn’t think of the little things that I am actually doing right, that I actually did,” makahulugang pahayag ni Elisse.

“It doesn’t matter if ‘yung pace mo mabagal kaysa sa ibang tao. Ang importante meron kang na-improve, meron kang na-accomplish, meron kang nagagawa,” dagdag pa ng dalaga.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with