^

PSN Showbiz

Janella may witness sa pananakit ni Elmo lulutang na?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Janella may witness sa pananakit ni Elmo lulutang na?!
Elnella

SCENE: Inggit na inggit si Benjamin Alves sa kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose dahil mabilis ito na magpapayat. Matagal bago na-achieve ni Benjamin ang kanyang well-sculpted body.

SEEN: Comparable sa libing ni Ninoy Aquino noong 1983 ang funeral scene sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN dahil sobrang laki ng eksena na ginastusan nang todo ng Dreamscape Entertainment.

SCENE: Ang reklamo ng entertainment writers tungkol sa short memory ng aspiring actor na si Marlo Mortel na habit na ang i-add ang mga reporter sa Facebook account niya pero hindi marunong sumagot sa mga direct message.

SEEN: Inihahanda na ng Regal Entertainment Inc. ang movie project na pagbibidahan ng original Regal baby na si Maricel Soriano. Si Eric Quizon ang napipisil na direktor ng Maricel movie.

SCENE: Sina Vice Ganda, Anne Curtis at Sarah Geronimo ang mga special guest sa ABS-CBN Ball na magaganap bukas, September 29, sa Makati Shangri-La.

SEEN: Inaabangan kung magkasama na dadalo sa Star Magic Ball ang real-life lovers na sina Janella Salvador at Elmo Magalona. Hot showbiz news ang paratang na sinaktan ni Elmo si Janella sa harap ng isang bar sa Taguig City.

SCENE: Inaasahan ang announcement ni Sharon Cuneta na may second night bukas sa Smart Araneta Coliseum ang kanyang 40th anniversary concert na magaganap ngayong gabi sa Big Dome.

SEEN: Proud tita si Isabel Rivas dahil sa mga magagandang nangyayari sa showbiz career ng kanyang pamangkin na si Marco Gumabao, ang lead actor ng Para sa Broken Hearted ng Viva Films.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with