^

PSN Showbiz

Elmo tahimik sa akusasyon ng kampo ni Janella

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Elmo tahimik sa akusasyon ng kampo ni Janella
Janella

Derrick araw-araw naglalabas ng init sa katawan!

SEEN: Latecomer si Juancho Trivino sa presscon ng Wild & Free noong Martes dahil nanggaling pa siya sa school. Hindi na umabot si Juancho sa question and answer segment ng sexy movie na tinatampukan nina Sanya Lopez at Derrick Mo­nasterio.

SCENE: Walang takot na inamin ni Derrick na araw-araw nito na inilalabas ang init ng katawan niya. Nagpaka-wild and free si Derrick sa presscon ng pelikula nila ni Sanya.

SEEN: Si Connie Macatuno ang direktor ng Wild & Free. Nanindigan si Connie na seksi pero walang frontal nudity sa mga intimate scene nina Sanya at Derrick.

SCENE: Dapat maging matatas sa pagsasalita ng Tagalog ang Asia’s Next Top Model 2017 na si Maureen Wroblewitz kung gusto niya na magtagal bilang mainstay ng Eat Bulaga.

SEEN: Ang paalaala ni Donny Pangilinan sa lahat na huling araw ng voter’s registration sa September 29 para makaboto sa eleksyon sa May 2019.

SCENE: Ang 673,264 and counting likes sa Instagram post ni Marian Rivera na buntis ito sa second child nila ni Dingdong Dantes na pinabulaanan ang pagkandidato sa susunod na taon dahil ang kanyang growing family ang priority niya.

SEEN: Tahimik pa rin ang kampo ni Elmo Magalona sa akusasyon na sinaktan ng aktor noong September 8 ang kanyang girlfriend na si Janella Salvador. Bakas pa rin ang mga pasa sa braso ni Janella kahit matagal nang nangyari ang insidente.

SCENE: Ngayon ang grand launch ng Empire.ph, ang bagong business venture sa Taguig City ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng kanyang manager, ang beauty queen maker na si Jonas Gaffud.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with