^

PSN Showbiz

Jenine may giyera sa nanay ni Elmo?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jenine may giyera  sa nanay ni Elmo?!
Jenine

Kung hindi pa nag-away sina Elmo Magalona at Janella Salvador ay baka hindi pa uuwi sa kanyang nanay si Janella. Itinuturing na isang magandang pa-birthday ng anak sa kanyang ina ang ginawang pagbabalik sa kanilang bahay. Hinihintay ngayon kung magagawa pang magsalita ng mag-ina tungkol sa diumano’y pananakit kay Janella ni Elmo.

Nag-isip din ang fans dahil sa tweet si Jenine sa kanyang Twitter account ng “Fashion Pulis, how much did Pia Magalona pay you to publish a twisted cover up story to clean up her son’s image? Da hell!”

Hinihintay ng fans ng dalawa ang gagawin nilang paglilinaw sa isyu, para naman malinis ang pangalan ni Elmo kung sakali mang hindi totoo ang ibinibintang sa kanya. Ayaw nilang matulad ito sa naging kaso nina Barbie Imperial at Paul Salas na nalilibing na sa limot.

Goma malaki ang kinita sa kanyang exhibit

Ngayon lang nalaman ng marami na nakakapagpinta pala si Ormoc City Mayor Richard Gomez. Nakakadalawang exhibit na siya sa Pinto Art Museum sa Antipolo City na ang pinakahuli ay dinayo ng mga art enthusiast, mga kaibigan, supporters at maski na nung mga gusto lang mag-usyoso. Hindi naman sila nabigo, nakita nila ang isa pang talento ng magaling na aktor at kung paano nabiling lahat ang  mga painting niya na nagkakahalaga mula P150K - P200K. 

Abstract ang medium na ginamit ng aktor na kumuha ng inspirasyon sa kala­ngitan ng Ormoc City at karagatan ng Siargao. Be­nipisyaryo ng mga ipinipinta niya ay ang mga mahihirap at nangangailangan sa Ormoc City.

Glaiza kikitain ang manliligaw sa London, isasabay sa pag-aaral

Pupunta ng London si Glaiza de Castro para mag-aral ng music production.

Dasal niya na hindi ito mapurnada dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule. Bukod sa serye niya sa TV na Contessa ay may rerun ang indie film niyang Liway na sinasabing siyang may pinakamalaking kita sa isang film festival na sinalihan nito.

Hinala naman ng marami na sasamantalahin ng Kapuso actress ang pagkakataon para makipagkita sa Irishman surfer/suitor niya para samahan siyang maghanap ng school for music.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with