^

PSN Showbiz

Roger Calvin gustong buhayin ang career

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Roger Calvin gustong  buhayin ang career
Roger & Cher

For over four decades na pamamalagi sa Big Apple (New York City, USA) ng dating matinee idol of the ‘60s na si Roger Calvin, mas madalas ngayon na nasa Pilipinas ang veteran actor lalo pa’t biyudo na siya (sa namayapang misis niya na si Dr. Delia Santos-Calvin) habang ang kanilang kaisa-isang anak na si Cher Calvin ay matagal nang news anchor ng KTLA (TV) in Los Angeles, California, USA.

Roger still maintains their three-bedroom condo unit sa New York habang ang kanyang anak na si Cher ay may sari­ling condo unit sa West Hollywood in Los Angeles, California. May bahay din si Roger sa kanyang hometown sa Floridablanca, Pampanga and stays most of the time sa kanyang sariling condo sa Wack-Wack in Mandaluyong City with another one in Capitol Commons in Pasig.

Ngayong mas madalas na siyang mag-stay sa Pilipinas, bukas ang 72-year-old veteran actor na bigyan ng panibagong chance ang kanyang showbiz career.

“Actually, may inquiries naman. Natataon lang na parati akong out of town o di kaya may ibang commitment kaya hindi ako natutuloy,” kuwento ni Roger.

During his prime ay nakagawa si Roger ng halos 30 movies na ang kauna-unahan ay ang Manang Biday na pinagbidahan nina Amalia Fuentes at Luis Gonzales na dinirek ni Tony Cayado. Naging contract star siya noon ng Lea Productions kung saan siya nakagawa ng maraming pelikula.

At kung kelan nasa peak ng kanyang career and in his mid-`20s ay saka naman siya nag-desisyong magtungo ng New York para doon makipagsapalaran.

Ang anak naman niyang si Cher ay nagsi­mula ng kanyang career sa Pilipinas.  Napabilang siya sa isang daily morning show ng GMA at salifestyle-magazine show ng ABS-CBN, ang F! at pagiging news anchor ng dating Studio 23. Nag-audition din si Cher sa KVVU (TV) Fox 5 na naka-base ng Las Vegas, Nevada at ito ang naging dahilan kung bakit niya tinalikuran ang kanyang showbiz career at boyfriend na si Troy Montero sa Pilipinas. 

Pagkaraan ng dalawang taon with KVVU Fox 5 bilang news anchor ay lumipat si Cher ng KTLA (TV) sa Los Angeles, California na kinabibilangan niya hanggang ngayon. Dito siya nakatanggap ng kanyang anim na Emmy Awards na ang lima rito ay magkakasunod niyang tinanggap nung 2012 hanggang 2017.

Although wish ng bawat magulang ang tagumpay ng kanilang mga anak hindi lamang sa kanilang career kundi maging sa kanilang pagkakaroon ng sariling pamilya, tila nawawalan na ng pag-asa si Roger na magkaroon ng sariling apo kay Cher dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nag-aasawa at nagkakaroon ng sariling anak.

vuukle comment

ROGER CALVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with