^

PSN Showbiz

Regine iniyakan ang pag-alis sa GMA!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Regine iniyakan  ang pag-alis sa GMA!
Regine

Ogie malaki ang kinalaman?

SEEN: Out of the country ang direktor na si Dondon Santos kaya absent siya kahapon sa grand presscon ng Tres. Si Santos ang direktor ng Amats at ng 72 Hours, ang dalawa sa trilogy movie ng Imus Productions. Si Richard Somes ang direktor ng Virgo.

SEEN: Bumangka nang todo si Assunta de Rossi sa presscon kahapon ng Tres dahil sa kanyang mga funny statement tungkol sa sarili niya. Hindi nahiya si Assunta na ikuwento sa presscon ang mga imperfection ng kanyang katawan.

SCENE: Ang balita na “iniyakan” ni Regine Velasquez ang hindi na mapipigilan na pag-alis niya sa GMA 7. Si Regine ang kinikilala na tunay na Reyna ng Kapuso Network sa matagal na panahon.

SEEN: Diumano, malaki ang kinalaman ni Ogie Alcasid sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN dahil siya ang kinausap ng Kapamilya network executives. 

SCENE: Nakakaramdam na si Gladys Reyes ng separation anxiety dahil sa nalalapit na pagwawakas ng Inday Will Always Love You. 

SEEN: Nanghihinayang ang singer na si Rhap Salazar dahil hindi ipinakita sa TV ang audition niya noong July 2018 sa The X Factor UK edition. Si Rhap ang nagkusa na ibalita ang pagsali at ang elimination niya sa singing contest sa United Kingdom.

SCENE: Natalbugan si Rhap Salazar ng Filipino transgenderwoman na si Sephy Francisco dahil nag-trending at viral ang audition nito sa The X Factor UK. Magkasabay na sumali sa nabanggit na contest sina Salazar at Francisco.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with