^

PSN Showbiz

Singer na produkto ng singing contest, sobra na ang pagmamaangas

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagpapatotoo sa mga umiikot na kuwento tungkol sa isang nakikilala nang female singer. Sa maagang panahon ay nagkaroon na agad ng pagbabago sa kanyang ugali.

Madaya nga kasi ang mga sigaw at palakpak. Kapag naririnig ‘yun ng personalidad ay lumalaki na ang kanyang ulo, nalulunod na siya sa isang basong tubig, dahil ang akala niya ay wala nang katapusan ang mga ganu’ng klase ng pagdambana sa kanya.

Wala nang sumbrerong nagkakasya sa kanyang ulo, pinaniniwalaan niya na ang mga sigaw at palakpak, hanggang sa pagbaguhin na nu’n ang kanyang ugali.

Kuwento ng isang source, “Maagang dumating ang ganu’n kay ____(pangalan ng female singer na nauuso ang mga kanta ngayon), marami nang nakakapansin sa paglobo ng ulo niya, pinapasukan na ng kaangasan ang utak niya.

“Kailangan niyang mag-ingat. Hindi pa stable ang singing career niya, sinusu­werte lang siya ngayon, pero wala pa siyang puwedeng panghawakan. Nakakatakot kung totoo ngang ramdam na ang pagmamaangas niya,” simulang komento ng aming source.

Produkto ng isang talent search ang female personality. May kakaiba siyang atake na kinagat naman ng mga mahiligin sa musika.

“Suwertihan lang naman ‘yan. Sige, nagkakaroon siya ng public attention ngayon dahil iba sa iba ang atake niya. Pero wala pa ring guarantee ‘yun.

“Baka mamaya, hindi na kagatin ang style niya, baka may ipanganak nang mas magaling sa kanya sa kapareho rin niyang atake, kaya wala pa siyang maipagmamalaki. Nakakantok pa naman ang atake niya sa pagkanta. Masarap lang siyang pakinggan sa una at ikalawang piyesa.

“Pagkatapos nu’n, e, aantukin ka na dahil sa nakakaantok din niyang style. Para siyang lasing kung kumanta, pabulong ‘yun na parang nang-iimbita ng pagtulog.

“Huwag niyang kalilimutan ang PR, puhunan sa success ang pakikisama, hindi niya puwedeng ipilit na siya dapat ang nilalapitan dahil uso siya ngayon. Totoo, uso lang siya talaga ngayon, kaya tantanan niya ang kaangasan na napapansin na sa kanya ngayon.

“Ang uso, e, lumilipas. Ang uso, e, napapalitan agad. Ang uso, e, nalalaos,” madiin pang komento ng aming impormante.

Ubos!

Inaano ba siya ng lupang hinirang? Sen. Tito wala sa lugar ang ipinaglalaban

Tama ang opinyon ng mas nakararami nating kababayan, bakit kailangang planuhin at pagkaabalahang palitan ang hu­ling linya ng Lupang Hinirang, inaano ba ng nananahimik na piyesa si Senador Tito Sotto?

“Ang mamatay nang dahil sa iyo” ang linyang gustong palitan ng senador dahil parang may kaduwagan daw. Sumusuko raw agad ang litanyang ‘yun.

Isang napakalaking mag-asawang sampal sa kasaysayan ang pinakikialaman ng senador. Walang insinwasyon ng kaduwagan ang linya dahil ang ibig sabihin nu’n ay handang ibuwis ng isang Pinoy ang sarili niyang buhay kung kinakailangan.

Para sa kapakanan ng kanyang bayang mahal ay kayang ipagpalit ng Pinoy ang nag-iisa niyang buhay kapag may mang-aapi sa ating bayan, napakalinaw naman nu’n, na para lang sa pangsarili niyang kapritso ay hindi na binibigyan ng importansiya ni Senador Tito Sotto.

Sa halip na bulabugin ang Lupang Hinirang ay bakit hindi na lang pag-aksayahan ng panahon ng senador na ito ang solusyon sa patuloy na pagbaba ng halaga ng piso dahil sa patuloy pang tumatayog na halaga ng dolyar?

Ang problema sa bigas, pangnasyonal na problema ‘yun, ang pagtaas ng presyo ng lahat ng mga bilihin, ang dami-daming dapat pagkaabalahan ni Senador Tito Sotto na dapat bigyan ng solusyon, pero bakit ang huling linya pa ng Lupang Hinirang ang kanyang nililigalig.

Araw-araw nating problema ang traffic. Kahit saang kalye ka dumaan ay mag-aaksaya ka talaga ng gasolina dahil barado ang mga kalye sa sobrang bagal ng daloy ng mga sasakyan.

Aksayado na sa gasolina ay mapapamura ka pa dahil sa araw-araw na lang ay ‘yun ang kaulayaw natin sa kalsada. Hindi ba ‘yun nakikita ng senador? Naka-helicopter ba siyang bumibiyahe mula sa White Plains hanggang sa kanyang opisina sa Senado?

‘Yun ang mga problema ng buong bayan na dapat bigyan ng atensiyon ng senador, solusyon ang kailangan sa mga suliraning nagpapahirap sa buong sambayanan, hindi ang panghihimasok-pakikialam sa huling linya ng Lupang Hinirang!

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with