^

PSN Showbiz

Young actress bugbog na sa pang-uupak ng sariling ina!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tunay na kakaiba ang ina ng isang young actress. Hindi ito puwedeng bansagang stage mother dahil hindi naman ito nakikipaglaban para sa kanyang anak. Sa halip, ang ina pa nga ng young actress ang nagdidiin sa kanya, ang naglalabas ng kanegahan tungkol sa kanya.

Mabait ang young female personality. Luha lang ang sumbungan niya ng mga sama ng loob. Iniiyakan lang niya ang mga ginagawang kakaiba ng kanyang mommy.

Kuwento ng aming source, “Ang bilis-bilis niyang umiyak sa mga eksena niyang drama, di ba? Talagang mabilis siyang maiiyak, dahil ang ginagawa niyang motivation, e, ang mga pinaggagagawa ng nanay niya tungkol sa kanya.

“’Yun ang pinaghuhugutan niya ng husay sa pagluha, maisip pa lang niya ang mga pang-aaping ginagawa ng mommy niya laban sa kanya, e, hagulgol pa nga ang maipakikita niya sa eksena.

“Hindi siya stage mother dahil kahit kailan, e, hindi siya kinakitaan ng pakikipaglaban para sa anak niya. Wala siyang pakialam kung meron mang mga namba-bash sa anak niya, kasi nga, e, siya ang de primerang basher ng anak niya!

“Bakit pa niya kakailanganin ng mga bashers, e, nand’yan naman ang mommy niya na pinakaunang naglalabas ng mga nega tungkol sa kanya? Kailangan pa ba niya ng mga upak sa kanya kung mismong mommy na niya ang gumagawa ng ganu’n sa kanya?” simulang kuwento ng aming source.

Kung bakit at paano ay walang nakakaalam kung bakit napakainit ng dugo ng nasabing ina sa kanyang anak. Hindi nito ipinagtatanggol man lang ang kanyang anak kahit pa niluluray-luray na ng mga bashers.

Patuloy ng aming source, “Anong pagtatanggol ang maaasahan mo sa kanya, e, siya pa nga mismo ang nagbibigay ng chance sa mga bashers na kuyugin ang anak niya? Hindi talaga siya puwedeng i-brand ng pagiging stage mother!

“Konting kibot lang, naka-post na siya agad sa social media. May katiting lang na nagawang pagkukulang ang anak niya, e, big deal na agad para sa kanya! Naka-broadcast na agad ‘yun, siya pa mismo ang nagbabando ng mga mali ng anak niya, kung meron man!

“Running joke na nga sa set na baka raw napalitan sa ospital ang bata, kasi, walang kaamor-amor sa kanya ang mommy niya. Baka raw hindi siya tunay na anak ng mommy niya.

“Ibang klase talaga ang mommy ng young actress! Ang galing-galing niya sa ibang tao, pero sa mismong anak niya, e, ganyan siya kawalang-pakialam!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pelikula ni Alex nakalimutang panoorin

Nakaapekto nga kaya ang video ng panghihipo ni Alex Gonzaga sa sandata ng isang lalaki sa nakakalungkot na kinahantungan ng kanyang pelikula sa mga sinehan?

Nakalimutang panoorin ng ating mga kababayan ang kanyang pelikula kaya sa ibang mga sinehan ay nag-frist day-last day ‘yun. May kaibigan kaming saksi sa pagbaklas sa sinehan ng pelikulang pinagbibidahan ni Alex sa pangalawang araw pa lang.

Kritiko kasi ang aming kaibigan, naglaan ito ng panahon para magpunta sa sinehan sa ikalawang araw ng Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka para rebyuhin, pero ibang pelikula na ang palabas sa Robinson’s-Sta. Rosa.

Sa ibang mga sinehan namang nandu’n pa ang pelikula ni Alex Gonzaga ay malinaw ang paglalarawan ng aming mga impormante, puwedeng gawing lugar para sa karera ng kalabaw ang sinehan dahil iilan lang ang upuang may laman, sa kolokyal na termino sa showbiz ay nilangaw ang proyekto ni Alex Gonzaga.

Walang suwerte si Alex sa malalaking laban sa kanyang career. Nang mag-concert siya sa Araneta Coliseum nu’ng kalilipat pa lang nila sa ABS-CBN ay ipinamigay ang mga tickets sa kanyang palabas.

Dalawang kasamahan naming reporters na namamasyal sa kata­bing mall ng Big Dome ang nakatanggap ng libreng tickets, tiglilima sila, kaya agaran nilang tinawagan ang kanilang mga kamag-anak para hindi masayang ang libreng tickets.

Komento ng kaibigan-anak-anakan naming kritiko, “Ewan ba kung bakit may mga producers na ang hilig-hilig sumugal. Dapat, bago sumabak, kilatisin muna nila ang panghatak ng artista sa takilya.

“Alam naman nila na lahat ng larangang pinasok ng babaeng ‘yun, e, semplang, umarya pa rin sila! Kung ibinigay na lang nila sa mga charitable institutions ang kahit one fourth lang ng puhunan nila, e, di nakagawa pa sila ng kadakilaan!” kumpletong komento ng aming source.

Sabeeee….

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with