^

PSN Showbiz

Machong actor buking na ang pagiging user

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin sa mga hindi kagandahang isyu ang isang guwapo at matangkad na male personality. Matatagalan pa nga siguro, kundi man kumapit na talaga sa kanyang balat, ang imahe niya bilang isang user o manggagamit.

?Maraming kaibigan ng kanyang mga nakarelasyong female personalities ang nagkukuwento tungkol sa inabot sa kanya ng mga ito. Hindi lang daw halatado ang atake ng lalaki pero totoong ipinaglihi siya sa hinog na mangga.

?Kuwento ng aming source, “Hindi kasi siya mayabang, kahit kilala na rin naman siya, e, humble pa rin siya. “Yun ang dahilan kung bakit may mga nagtatanggol sa kanya tungkol sa pagiging user.

?“Pero ang mga friends mismo ng mga ex niya ang makapagpapatotoo kung gaano siya kagaling, user talaga siya, disimulado lang ‘yun dahil mukhang mabait nga siya.

?“’Yung unang naging karelasyon niya, e, alam naman nating madatung, di ba? Galing ‘yun sa buena familia, puno ang bulsa, kumbaga. Naku, malaki ang tumapong datung sa babaeng ‘yun nu’ng sila pa ni ____(pangalan ng hunk actor)!

?“’Yung mga baka-bakasyon nila sa ibang bansa, ang girl ang palaging taya. Kanya ang airfare, may shopping money pa ang guy, wala siyang kahit singkong duling na ginagastos kapag nangingibang-bansa sila!

?“All expenses paid ‘yun ng ex niya, sa totoo lang, dahil pa-card-card lang naman ng girl. Buhay-hari siya sa girl, alam n’yo naman ang girl na ‘yun kung magmahal, all mine to give talaga siya from the heart!

?“Pero napagod din ang girl, palagi na nga lang ba namang ganu’n? Siyempre, gusto rin naman niyang maging queen paminsan-minsan na siya ang ginagastusan, di ba?

?“’Yun ang talagang napuruhan, hindi ‘yung isa pa niyang ex na nag-ingay kung gaano siya ka-user! Ano naman ang makukuha sa kanya ng hunk actor, aber? E, pareho lang naman silang nangangailangan, sa totoo lang!

?“Naggamitan lang siguro sila ng name, ‘yun lang ‘yun, pero hindi siya na-spoil sa isang ex niya, kasi nga, e, wala namang datung na gagastusin ang babaeng ‘yun!

?“Hindi naman rich ang girl, siya ang may rich na karelasyon ngayon! Mabait sana ang guy, kaya lang, hindi na talaga maialis-alis sa image niya ang pagiging user. Nakakaawa naman siya, machung-macho pa naman siya, pero wala siyang backbone,” napapailing pang pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Mocha nakahanap ng katapat

Nakahanap na ng kalapat na takip ang palayok. Natagalan lang pero ipinanganak na ang katapat ni Asec Mocha Uson sa mga pinaggagagawa niyang kalabisan.

?Hindi nagkaroon ng saysay ang kanyang litanya ng panghihingi ng dispensa sa komunidad ng mga kababayan nating pinagdamutan ng kapasidad na makapagsalita at makarinig.

?Literal na naging bingi kay Asec Mocha at sa kanyang kaibigan na si Drew Olivar ang mga miyembro ng Philippine Federation Of The Deaf, kaya kinasuhan na sila ng grupo sa Ombudsman, nakahanap ng katapat ang babaeng palaging kinukunsinti ng kanyang mga sinasandalan.

?Hindi lang ang mga pinaglaruan nilang mga PWD ang hindi nagkagusto sa ipinakita nilang video, galit na galit din ang buong bayan, dahil kung kaya nga namang i-bully nina Mocha at Drew ang mga taong walang kalaban-laban ay sino pa ang hindi nila magagawan ng ganu’n?

?Panahon na para may sumeryoso sa mga kapalpakang ipinakikita ni Asec Mocha, hindi na puwedeng basta palampasin na lang ang kanyang pagmamalabis, sumosobra ang lakas ng loob na mambastos ng taong ito dahil akala niya ay palagi siyang kakampihan ng pangulo.

?Ang sigaw ng mga nademanda sa kanya ay ang umalis na siya bilang assistant secretary ng PCOO na naturingan pa namang armas ng gobyerno para sa pakikipagkomunikasyon pero hindi naman ‘yun ang nangyayari.

?Ginagamit ni Asec Mocha ang kanyang posisyon para makapag-bully, para manghagupit ng kanilang mga kalaban sa mundo ng pulitika, dapat na ngang kalusin ang sobrang pagiging palalo ng empleyado ng pamahalaan na ito.

?Kaya niyang lusutan ang ilang senaryo, pero hindi niya kakayaning ipanalo ang lahat ng laban, siguradong may makakatapat siyang puwersa na magpapahinto sa kanyang mga kabalbalan.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with