^

PSN Showbiz

Mike palilipasin muna ang birthday bago pa-opera

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Mike palilipasin muna ang birthday bago pa-opera
Mike

SEEN: Mabibili sa National Bookstore branches sa October 5 ang I Am Jake, ang biography book ng transman singer na si Jake Zyrus aka Charice Pempengco.

SCENE: Ang balita na palilipasin muna ni Mike Enriquez ang kanyang 67th birthday sa September 29 bago siya sumailalim sa heart surgery. On leave pa rin si Mike sa radio program niya at sa 24 Oras, ang primetime news program ng GMA 7.

SEEN: Late kahapon si Vice Ganda sa It’s Showtime dahil nanggaling pa siya sa shooting ng Fantastica sa Bulacan. Hindi kaagad nakaalis sa set si Vice dahil sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez ang mga kasama niya sa eksena.

SCENE: Makakatrabaho ni Lotlot de Leon si Rayver Cruz sa Asawa Ko, Karibal Ko, ang upcoming television series ng GMA 7. Si Rayver ang rumored boyfriend ni Janine, ang anak ni Lotlot.

SEEN: Mga precious stone ang pangalan ng mga karakter sa Pamilya Roces, si Carla Abellana si Crystal, Si Gabbi Garcia si Jade, si Jasmine Curtis-Smith si Pearl at Amber si Sophie Albert, ang ipinalit kay Winwyn Marquez na tumanggi na gawin ang maseselan na eksena.

SCENE: Mula rin sa precious stones ang pangalan ng mga bida ng Abay Babes ng Viva Films. Eme­rald, Ruby, Pearl, Goldie at Jade ang pangalan ng mga karakter nina Cristine Reyes, Kylie Verzosa, Roxanne Barcelo, Meg Imperial at Nathalie Hart.

SCENE: Negative ang mga komento at opinyon ng publiko sa proposal ni Senator Tito Sotto na palitan ng Ang ipaglaban ang kalayaan mo ang lyrics ng Lupang Hinirang na Ang mamatay nang dahil sa ‘yo. Si Julian Felipe ang composer ng Pambansang Awit noong 1898 at si Jose Palma ang sumulat ng lyrics noong 1899. Hindi pa tao si Sotto nang unang patugtugin ang Lupang Hinirang, 119 na taon na ang nakararaan.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with