^

PSN Showbiz

Binuko ni Richard Merk Sharon nakabili ng 5 lote na pinamumugaran ng squatter

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Binuko ni Richard Merk Sharon nakabili ng 5 lote na pinamumugaran ng squatter
Sharon at Richard

Nakaka-shock ang mga post sa Facebook ng veteran jazz singer na si Richard Merk.

 

Hindi ko actually agad napansin pero pasabog pala ng ‘galit’ niya sa kanyang misis na si Madam Roni Tapia.

Ka-FB ko pa naman siya at masipag mag-like.

In any case, kasama sa mga post ni Mr. Richard ang loteng naibenta niya kay Ms. Sharon Cuneta. Limang lote diumano ang nabili ni Ms. Shawie sa kanilang pamilya pero walang nakuhang kahit isang singko ang jazz singer. Bukod pa umano sa nagalit sa kanya si Megastar dahil puro squatters ang nakatira sa nasabing lote kaya apat na taon na siyang (Richard) hindi kinakausap ni Mega.

“NI SINGKO WALANG NAPUNTA SA AKIN. IKAW ANG NAKIUSAP NA KAUSAPIN KO ANG KUMARENG SHAWIE KO! YUN, PALA PURO SQUATTER YUNG NAKATIRA SA MGA LOTE! KAPAL NG MUKHA NYO! 4 YEARS AKONG HINDI KINAUSAP NI SHAWIE DAHIL AKALA NYA KASAMA AKO SA SCAM NYO! TANDAAN NYO..LAHAT KAYO KUMITA EXCEPT FOR ME WHO DELIVERED TO YOU MY INNOCENT KUMARENG SHAWIE! TO ALL THE TAPIA FAMILY- ISOLI NYO LAHAT NG PERANG KINATA NYO SALES NG MGA LUPA!! OR ALAM NYO NA!,” ang bahagi ng post ni Mr. Merk patungkol kay Madam Tapia na alam ng marami sa showbiz ay may sakit na cancer.

Meron pang post doon tungkol sa Merk’s Bar Bistro sa Greenbelt na ang akala ng lahat ay pag-aari ng singer. ‘Yun pala, ayon din sa FB post ni Mr. Merk, wala siyang napakinabangan sa kanyang nine years na pagha-handle sa nasabing bar dahil ang sabi raw ng misis niya ay wala naman siyang investment doon. Ganun din sa kanilang bahay na naibenta raw ng P40M pero P20K lang ang napunta sa singer.

Marami pang ibang sama ng loob si Richard na posted sa FB na masyadong  personal pero pera ang pinagmumulan.

Bukas po ang pahinang ito sa anumang puwede nilang paliwanag.

vuukle comment

RICHARD MERK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with