^

PSN Showbiz

Monsour katsikahan ang mga ex na sina Dawn at Agot

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Monsour katsikahan ang mga ex  na sina Dawn at Agot
Mosour at Dawn

Malapit si Monsour del Rosario sa buong pamilya ng dating kasintahan na si Dawn Zulueta. Hindi lamang ang aktres ang nakikita ng taekwondo champion at Congressman ng Makati kundi ang buong pamilya ni Dawn. “Last ko siyang (Dawn) nakita I think mga three years ago. Wala kaming problema ni Dawn. Two years din kami (magkarelasyon). ’Yung dalawang anak ni Dawn, estudyante ko sa taekwondo. No’ng maliit sila panay ang practice nila sa gym ko noon. No’ng busy pa ako magturo. Ang nakikita ko si Anton (Lagdameo, asawa ni Dawn), nando’n sa Congress, nagkukwentuhan kami. Si Anton kasi mas una kong nakilala kaysa kay Dawn. Grade 7 pa lang si Anton kaibigan ko na. Hindi pa ako artista kaibigan ko na si Anton,” pagbabahagi ni Monsour.

Bukod kay Dawn ay naging kasintahan din ng actor-politician si Agot Isidro ng limang taon.

Ayon kay Monsour ay talagang maganda ang turingan nila ng mga dating nakarelasyon. “Wala akong problema. Ang mga kapatid ni Agot, sila ang mas madalas kong ka-chat. Tuwing birthday ni Agot, gini-greet ko siya. Si Dawn, gano’n din. Hindi naman kami nagkaonsehan,” giit niya. Masaya rin umano si Monsour para kay Agot dahil naka-move on na ang aktres mula sa na­ging hiwalayan ng asawang si Manu Sandejas. “Hindi kami nag-uusap, hindi kami nagkikita eh. Happy lang ako na nag-move on siya sa buhay niya after ma-separate siya sa asawa niya,” pagtatapos ng aktor.

Nathalie at indian bf, apat na araw ang celebration ng kasal

Mag-aanim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Nathalie Hart sa kasintahang Indian na si Mayank Sharma. Engaged na ang magkasintahan kaya nakatakdang magpakasal bago magtapos ang taon.

Ayon sa magkasintahan ay dalawang kasalan ang magaganap.

Ang isa ay sa Australia at ang isa naman ay sa India. “In Australia, it’s gonna be family thing because I’m giving birth by January. So it’s gonna be fun. It’s gonna be intimate but, it’s not like partying, just simple,” nakangiting pahayag ni Nathalie. “Yes, a four-day wedding, a lot of fun, a lot of drinks and a lot of dancing. It’s a long long celebration,” dagdag naman ni Mayank.

Samantala, kahapon ay nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Abay Babes na kinabibilangan ni Nathalie.

Kasama bilang mga pangunahing bida ng aktres sa nasabing proyekto sina Cristine Reyes, Roxanne Barcelo, Kylie Versoza at Meg Imperial.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

MONSOUR DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with