^

PSN Showbiz

Ryan ‘di sinipot si Dingdong sa shooting

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Ryan �di sinipot si Dingdong sa shooting
Dingdong at Ryan

Nakayang ‘di siputin ni Ryan Bang ang shooting ng pang-MMFF 2018 movie ni Vice Ganda para sa Star Cinema na Fantastika: The Princesses, The Prince and The Perya. Si Dingdong Dantes pa naman  ang kaeksena niya kaya ito ang  naapektuhan ng lubos sa hindi pagdating ng Korean  actor.

Hindi naman actually kasalanan ni Ryan ang pangiindyan sa  shoot ng Fantastika dahil may last taping siya ng seryeng Sana Dalawa ang Puso na palabas na kinabukasan.

Nag-sorry naman siya kahit ang kasalanan ay sa nag-schedule ng taping ng SDAP at hindi sa kanya.

Wala namang problema kay Dingdong dahil hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pangyayari.

Daniel nabiktima ng mga raket sa eskuwelahan!

Poor Daniel Matsunaga. Nabale wala ‘yung tinanggap niyang honorary doctorate award mula sa isang paaralan sa Gapan, Nueva Ecija dahil walang permit to operate ang nasabing paaralan mula sa CHED.

Isang malaking raket lang  daw ito. May inilabas na pera kaya para rito si Da­niel? Tsk. Tsk. Tsk.

Louise nabigyan ng bagong gagawin

After Asintado, buti naman at nabigyan ng mo­vie pro­ject ng Viva Films si Louise delos Reyes. Kasama ito sa pelikulang Para sa Broken Hearted kasama sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Marco Gumabao at Sam Concepcion. Magaling umarte ang ex-Kapuso actress para manatiling support o sa background lang.

Marami ang umaasam na mabigyan pa siya  ng ma­raming assignment para hindi masayang ‘yung magandang sinimulan niya sa GMA.

Alex hindi sineryoso si Kean

Ayon na rin mismo kay Alex Gonzaga ay hindi naging talagang sila  ni Kean Cipriano. Open ang kapatid ni Toni Gonzaga sa pag-amin sa tunay na naging relasyon nila ng frontman ng bandang Calla Lily na sa kabila  ng paghihiwalay  nila ay magkaibigan pa rin sila hanggang sa ngayon.

Sinabi ni Alex na baka sa halip na  ma-maintain ang kanilang friendship ay baka naging magkaaway pa sila ni Kean kung naging seryoso ang kanilang relasyon.

May asawa’t anak na ngayon ang bandista samantalang nag-aalaga ng dalawang taong relasyon ang bida sa pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka katambal si Vin Abrenica kay Mikee Morada.

Hopeful sina Alex at Mikee na hahantong sila sa altar.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with