^

PSN Showbiz

Lalaking singer na mahilig makisawsaw sa mga isyu, ipinasok ng asawa sa rehab

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tahimik ang mundo ngayon ng isang kilalang male singer. Maraming nakakapansin sa kanyang pananahimik dahil kilala siyang maingay at palasawsaw sa kahit anong isyu.

?Pero ilang buwan nang wala siyang aksiyon, payapa ang kanyang mundo, hindi na siya nagpo-post ng kung anu-ano at hindi rin siya nakikita sa kung saan-saan.

?Ayon sa kuwento ng isang mapagkakatiwalaang source ay talagang wala muna tayong mararamdaman at maririnig mula sa male singer. Kinailangan na siyang pagpahingahin sa isang tahimik na lugar.

?Kuwento ng aming source, “Mismong wife na niya ang nagpadala sa kanya sa rehabilitation center. Wala na naman kasi siya sa tamang hulog. Marami na naman siyang ginagawang ikinahihiya ng family niya.

?“Pahirapan pa nga ang pagdadala sa kanya sa rehab. Iniligaw pa siya ng wife niya, kunwari, e, magdi-dinner sila, pero nandu’n na ang mga kukuha sa kanya para madala siya sa rehab.

?“Walang kaalam-alam si ____(pangalan ng male singer na medyo may edad na) na may mangyayari that night. Pumorma pa naman siya, nagbihis nang maayos, pero nakipag-usap na pala ang wife niya sa mga tauhan ng rehab.

?“Natural, gumawa siya ng eksena, nasorpresa kasi ang singer, hindi niya alam na pinakain lang pala siya, pero sa rehab na siya matutulog at mag-aagahan,” kuwento ng aming impormante.

?Maraming ginagawang kabalbalan ang male singer na ito, pinag-aaway-away niya ang kanyang mga kapwa singers, gumagawa siya ng mga kuwento na natural na nakakaapekto sa samahan ng kanyang mga kaibigan.

?“Palasawsaw kasi siya, masyadong pakialamero, kung makapagsalita pa nga ang male singer na ‘yun, e, parang ang tali-talino niya, di ba? Galit sa kanya ang isang utol niyang nasangkot sa droga.

?“Kung lait-laitin kasi niya at sisihin ang utol niya, e, parang napakalinis niya, pero anyare ngayon sa kanya? Siya ang naka-rehab ngayon, nakalabas na ang kapatid niya, nagkabaligtad na ang sitwasyon nila.

?“Napakarami niyang kapangalang ­singers, artista, pulitiko at kung sinu-sino pa! Naging karelasyon din siya nu’n ng isang sikat na female personality na sabi ng mga anak ng babaeng ‘yun, e, siya ang nagturong magbisyo sa girl,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Anak ni Mayor Herbert inuupakan, in love raw kay Daniel

Magkaibigang matalik sina Karla Estrada at Mayora Tates Gana. Nu’ng hindi pa nag-aartista at sumisikat si Daniel Padilla ay si Mayora Tates ang takbuhan ng mag-iina.

?Magkasabay na lumaki sina Daniel at Athena, ang panganay nina Mayora Tates at Mayor Herbert Bautista, kulang na lang na tumira na sa bahay nila ang sikat nang heartthrob ngayon.

?Kapag nagbabakasyon sa ibang bansa si Mayora Tates at ang kanyang mga anak na sina Athena at Harvey ay siguradong kasama rin nila ang pamilya ni Daniel.

?Sobrang close ang mga bata, palagi silang magkakasama kahit saan, ngayon na lang nila hindi gaanong nakakasama si DJ dahil sobrang busy na ng young actor.

?Ewan kung totoong mga tagahanga ng KathNiel o nagpapanggap lang ang mga umaatake ngayon kay Athena. Nag-ugat lang ‘yun sa isang post ng dalaga na wala naman itong binanggit na kahit anong pangalan pero inupak-upakan na ito ng mga nagpakilalang tagasuporta ng KathNiel.

?Kung totoo ngang mga tagahanga nina Daniel at Kathryn Bernardo ang nagbibintang kay Athena na matagal na raw may gusto kay Daniel ay huwag naman. Sabay silang lumaki, malalim na ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan, puwede na ngang magturingan silang magkapatid.

?Pag-aralan muna nila ang kasaysayan. Napakalaki ng utang na loob ng pamilya ni Daniel Padilla sa ina ni Athena. Hindi na namin idedetalye pa ang mga pangyayari pero kahit tanungin pa ng mga ito si Daniel ay mapapahiya lang sila.

?Nakatuon ang isip ni Athena sa kanyang mga pangarap. Pagkatapos nitong makuha ang kanyang diploma sa Ateneo de Manila University ay gusto nitong magpatuloy ng kursong abogasya.

?Walang-wala sa isip ni Athena ang pang-aagaw ng karelasyon ng may karelasyon. Kapatid ang turing ng dalaga kay Daniel Padilla, kaya tantanan na ang pang-uupak sa kanya, maghunos-dili naman sana ang mga nagbibintang d’yan.

?Susmaryosep!

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with