^

PSN Showbiz

Charlene tatakbo ng 42k sa Berlin

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Charlene tatakbo ng 42k sa Berlin
Charlene

Wow join pala si Charlene Gonzales-Muhlach sa Berlin Marathon 2018.

Tatakbo siya ng 42k kasama ang isa niyang kaibigan. Ilang araw na ring nasa Berlin ang magkaibigan base sa kanilang Instagram posts. Today gaganapin ang Berlin Marathon. “Just want to wish my wife @itsmecharleneg and our very dear friend @stellamarieque the best of luck for tomorrow’s Berlin marathon! We’ll all be cheering for you guys! Proud of you guys!! Sub 4??? Hehehe have fun and just run! I’m ­doing the carbo loading for you both! Haha! Good luck and congrats! Let’s do this!!! Woot-woot!  #berlinmarathon,” ang pa-goodluck message yesterday ng mister niyang si Aga Muhlach na magiging busy na rin sa promo ng pelikula nila ni Bea Alonzo na First Love.

All the best Charlene.

Ritz magaling na ‘Escort Girl’

Sana naman ay madagdagan ang mga sinehan ng pelikulang The Hopeful Romantic ng Regal Films starring Pepe Herrera and Ritz Azul.

Funny ang movie. May dating at naka-deliver ang dalawang bida.

Balita kasing 20 something lang ang naibigay na sinehan sa latest project ni Direk Topel Lee kaya limited ang nakakapanood.

Sana rin ay mas malakas pa ang maging word of mouth ng pelikula na sa pinaka-mahal na suite sa Manila Hotel pa nag-shooting.

Pero may ganun nga kaya sa nasabing hotel? May mga nakakalusot kayang high class escort girl? Hehehe.

Kuwento kasi ng isang girl na raket ang pagiging high class escort girl ang pelikula na nakilala ang isang lalaki na binigyan ng reward ng isang pinagsaulian niya ng pera kaya nagbuhay mayaman sa pinagta-trabahunan niyang hotel.

Pero na in love siya sa nasabing escort girl kaya nagpanggap na ma­yaman.

At doon na magsisimula ang riot sa pelikula nina Ritz and Pepe. Iba naman kasi ito sa patuloy na pinipilahan pang The How’s of Us and Miss Granny.

So sana nga ay dumami pa ang makapanood nito.

  #PatuloyNaTangkilikinAngPelikulangPilipino

Pinay model sweet-sweetan sa bf na olympic gold medalist

Makarating kaya sa ‘Pinas ang two-time Olympic gold medalist na si Conor Dwyer na boyfriend ng Fil-Am model na si Kelsey Merritt ngayon?

Yup, sila ang mag-dyowa at parang recently lang dahil sa IG account ng Olympic winner, this September lang niya na-upload ang photo nila together. Pero sa IG ng Victoria Secret model na si Kelsey na sobra ang mga sexy photos sa social media, madalas na silang magkasama at mas nauna itong mag-display sa social media ng kanilang relasyon.

Recently nga ay nakita silang magka-date ng Olympic medalist swimmer sa Vanity Fair party. 

Graduate sa Ateneo si Kelsey at recently lang ay iniyakan  niya nang mag-call back sa Victoria Secret fashion show kung saan siya ang first Pinay sa VS show.

vuukle comment

CHARLENE GONZALES-MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with