^

PSN Showbiz

Coco ibinunyag na ang sikreto kaya nagri-rate ang Ang Probinsyano...

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco ibinunyag na ang sikreto kaya nagri-rate  ang Ang Probinsyano...
Coco

Masayang-masaya si Coco Martin dahil patuloy na namamayagpag sa ratings ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na kanyang pinagbibidahan.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa mga manonood na patuloy na tumatangkilik sa kanilang programa.

“Natutuwa ako, itinuturing namin na blessings ang mataas na ratings ng Ang Probinsyano. Nag-45%, 46% (sa ratings). Siguro gustung-gusto lang talaga nila ang topic. Pinoy eh,” bungad ni Coco.

Isa rin ang aktor sa tumatayong direktor at manunulat para sa nasabing serye. Kina­ka­ilangang pagbutihan umano ng kanilang buong grupo ang bawat takbo ng kwento upang hindi bumitaw ang mga tagahanga sa panonood nito.

“Ang sikreto kasi ng Ang Probinsyano, unpredictable eh. Siyempre inuunahan na namin ang iniisip ng mga tao ‘di ba? Ina-assure namin na ibahin natin ang kwento. Kumbaga bigyan natin sila ng ibang putahe sa gabi-gabi ng panonood nila. Siguro ‘yon ang isang way kung bakit sa tatlong taon nandiyan pa rin sila para suportahan kami,” pagbabahagi ni Coco.

Kapansin-pansin sa serye na napakaraming mga dating artista ang nabigyan muli ng pagkakataon na magkaroon ng trabahong pinagkakakitaan. Para kay Coco ay kasama sa kanilang tagumpay ang pagbibigay ng tulong sa mga dating artista na ngayon ay aktibo nang muli sa telebisyon.

“Hindi para mag-come up lang kung sino ang mga nangangailangan. Ako kasi, naniniwala ako sa opportunity na ibinibigay lalung-lalo na ang bata. Kumbaga ang kailangan ng mga tao ay oportunidad. Sabi ko nga, nagbabalik-tanaw ako, wala namang taong nagbigay sa akin ng pera. Ang ibinigay sa akin ay opportunity,” makahulugang pahayag ni Coco.

Jodi nakikita ni Direk Laurice sa beteranang  si Lolita Rodriguez

Personal na pinili si Jodi Sta. Maria ng batikang direktor na si Laurice Guillen para magbida sa pelikulang Man And Wife ng Cineko Productions.

Kasama ni Jodi sa bagong proyekto sina Francis Magundayao, Ina Feleo, Edgar Allan Guzman, Denise Laurel at Gabby Concepcion.

“They’re all hand-picked. First time ko kay Jodi at hindi ako nabigo sa confrontation scene din, lumalaban din,” nakangiting pahayag ni direk Laurice.

Maihahalintulad umano si Jodi kay Lolita Rodriguez na isa ring maga­ling na aktres noong nabubuhay pa ito.

“Alam mo she reminds me of Lolita Rodriguez noon na may dignity, may composure at magaling and intense din. Pero ’yung acting niya parang si Lolita din. Palaban din acting niya at hindi ‘yung parang nababasag ang mukha. Parang sakto lang pero mahusay,” pagbabahagi ng direktor.

Sa ngayon ay posibleng ilahok ang bagong pelikula sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2018.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with