^

PSN Showbiz

Kylie at Maxine sabay sasabak sa Ph!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kylie at Maxine sabay  sasabak sa Ph!
Maxine at Kylie

SEEN: Muling napanood kagabi sa Magpakailanman ang My Little Wife, ang unang television appearance ni Jo Berry. Napansin ang pagganap ni Jo Berry sa Onanay kaya nagkaroon ng replay ang episode ng Magpakailanman na pinagbidahan nila ni Jay Manalo at napanood sa GMA 7 noong May 2016.

SCENE: Ang replay ng life story ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang itinapat kagabi ng ABS-CBN sa Magpakailanman ng GMA 7. Napanood ito sa Maalaala Mo Kaya noong June 2017.

SCENE: Ang plano na mag-taping sa Italy si Eugene Domingo ng mga episode ng Dear Uge. Second home ni Eugene ang Italy dahil dito nakatira ang kanyang Italian lover na si Danilo Bottoni.

SEEN: Inis-talo si Pokwang na lalong binuwisit ng kanyang bashers dahil sa pagresbak niya sa mga hindi pabor sa kanyang mga rant nang putulan siya ng kuryente ng Meralco. Negang-nega si Pokwang na bida pa naman sa Sol Searching, ang official entry sa 3rd ToFarm Film Festival.

SEEN: Ang Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos ang replacement ng ABS-CBN sa Araw Gabi na malapit nang magwakas. Mga lalake ang bida sa Los Bastardos, sina Marco Gumabao, Jake Cuenca, Albie Casino at Diego Loyzaga.

SCENE: Leading ladies sa Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos ang mga former beauty queen na sina Kylie Verzosa at Maxine Medina. Batchmates sina Maxine at Kylie sa Bb.Pilipinas 2016, si Maxine ang Miss Universe Philippines title-holder, si Kylie ang Bb.Pilipinas International winner at siya rin ang nanalo ng Miss International 2016 crown.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with