^

PSN Showbiz

Aktres na hindi naman totoong rich, walang kupas ang pagiging maldita

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na bago ang kuwento tungkol sa sobrang kamalditahan ng isang young actress. Super-young pa siya nang madiskubre sa isang malakihang talent search at mula nu’n ay hawak na niya ang sentro at korona ng kamalditahan.

Siya rin ang nagpauso ng pangalang Simang sa showbiz, hinango ‘yun sa palagi niyang pagsimangot, kaya binansagan siyang Simang ng mga nakakatrabaho niya.

Kuwento ng isang source na nakakakilala sa young actress, “Kabisado namin ang buhay na pinang­galingan niya sa probinsiya, researcher ng show na pinagmulan niya ang mga friends ko, hindi sila mayaman, kaya kung saan nanggagaling ang kasupladahan niya, e, siya lang ang nakakaalam!

“Ang dami-daming artistang mula sa buena familia, may maipagmamalaki dahil ipinanganak silang may gintong kutsara sa bibig, sabi nga, pero hindi naman umaastang maldita na tulad ni _____(pangalan ng maganda namang young actress, impernes)!

“Naturalesa na niya ‘yun, talagang ugali na niya ang ipinakikita niya, nakalakihan na niya ang pagiging maldita!” naiinis na komento ng aming source.

Sa airport na naman naganap ang kuwento ng isa pang source, nakakaawang paliparan, ‘yun ang palagi na lang lugar kung saan napatutunayan ng mga kababayan natin ang natural na ugali ng mga kilalang personalidad.

Kuwento ng isang impormante, “Galing siya sa ibang bansa, mag-isa lang siya, may mga gusto sanang lumapit sa kanya para makipag-selfie. Pero nakaumang na agad ang nakasimangot niyang face, kaya hindi na lang itinuloy ng mga nandu’n ang planong pagpapa-picture sa kanya.

“Siyempre, sinundan siya ng tingin ng mga miron na naiinis, may pumaradang magarang kotse nu’ng palabas na siya, yayamanin ang girl! Iilang artista lang ang may ganu’ng sasakyan, di ba naman?

“Ang ending, nabuking din ng mga nandu’n ang drama ng girl, matagal na palang paikut-ikot ang magarang car, hinihintay lang siyang makalabas, boyfriend pala niya ang may-ari ng milyun-milyon ang halagang karu!

“Kaya naman pala hindi mabali-bali ang leeg ng young actress sa katigasan, richie-richie naman pala ang naghihintay sa kanya sa labas, kaya ang feeling niya, e, yayamanin na rin siya!

“Naku, hindi siya rich, ewan kung bakit siya ganu’n kamaldita, nasa name lang niya ang salitang ‘yun pero hindi siya rich!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Richard at Lucy laging matindi ang nerbiyos pag may bagyo

Sinusulat namin ang kolum na ito na mga ilaw na de-baterya ang gamit namin. Madaling-araw pa lang ay nawalan na ng kuryente dahil sa malakas na ulan at pagsipol ng hangin na dala ni bagyong Ompong.

Malaking dusa dahil napapahinto ng kawalan ng kuryente ang ating buhay pansamantala. Mabuti nga at may mga nabibili nang ilaw na tumatagal, napakikinabangan nang ilang oras, paano kung wala?

Pero dahil sa pagmamahal sa ating trabaho ay kaila­ngang tuloy ang aksiyon, kahit kandila lang ay puwedeng hingan ng liwanag, paminsan-minsan lang naman ang ganitong sakripisyo.

Signal number 1 lang ang nakaangat sa Metro Manila pero ganito na katindi ang lakas ng hangin. Paano pa ang mga probinsiyang sumailalim sa signal number 4?

Nu’ng manalanta ang super typhoon Yolanda sa Leyte at mga kalapit nitong probinsiya ay ipinadala kami ng TV5 sa Palo, Leyte. Mula sa Ormoc nang dumating kami sa pantalan hanggang sa Palo ay personal naming nakita ang napakalaking indultong inabot ng mga tagaroon.

Sa haba ng aming biyahe ay wala kaming nakitang mga bahay na nakatayo, humahalik sa lupa pati ang mga kongkretong bahay, bagsak ang mga puno at mistulang ghost town ang mga dinaanan naming bayan.

Huwag na sanang bumalik ang ganu’ng senaryo na lumipol sa maraming residente ng mga probinsiyang naapektuhan. Hindi lang kabuhayan ang inagaw sa kanila kundi pati buhay na wala nang kapalit.

Nu’ng magkausap kami ni Congresswoman Lucy Torres Gomez ay parang nagkaroon na siya ng trauma sa ganu’ng karanasan. Inaapuntahan pa rin siya nang matinding nerbiyos kapag may mga dumarating na bagyo.

Kahit pa ang kanyang mister na si Mayor Ri­chard Gomez ay nabinyagan ng kalamidad sa unang taon ng kanyang pag-upo sa Ormoc, magkatuwang silang mag-asawa sa pag-aasikaso para sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan, wala na halos silang panahon para sa kanilang anak na si Juliana na nandito sa Maynila.

Sadya naming binalikan ang naganap sa Leyte ilang taon na ang nakararaan para hindi kami magkaroon ng dahilang magreklamo sa pagsusulat ng kolum na gamit ang mga de-bateryang ilaw.

Walang-wala ito kumpara sa kanilang naranasan nang dumaluyong ang Yolanda. Ni wala sa dulo ng kanilang mga daliri ang karanasan namin ngayon kay Ompong.

vuukle comment

LUCY TORRES-GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with