^

PSN Showbiz

John gustong idirek ang ex sa pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John gustong idirek ang ex sa pelikula
John

Bukod sa pagiging aktor ay abala rin si John Prats sa pagiging isang direktor. Sunud-sunod halos ang ginagawang mga concert at music video ni John ngayon.

Siya ang magiging direktor ng concert ni Erik Santos na gaganapin sa September 22 sa MOA Arena.

“Kinausap niya (Erik) ako. Sabi niya, ‘Direk, ikaw magdirek ng concert ko.’ Sabi ko, ‘Totoo ba ‘yan?’ Si Erik ‘yung isa sa mga unang naniwala. After that week, I received a call from Cornerstone na si Miss K Brosas din gusto ako magdirek. And then si Richard Poon, so doon na nag-start,” nakangiting kwento ni John.

Sobrang kaligayahan umano ang naramdaman ng aktor nang malamang isa rin siya sa mga magiging direktor para sa gaganaping concert na Boyz II Men with Divas sa December 15 sa Araneta Coliseum. 

Kabilang sa Divas sina Kyla, KZ Tandingan, Yeng Constantino at Angeline Quinto na pawang mga talents din ng Cornerstone.

“It’s a collaboration, there are two artists, the Boyz II Men and the Divas. I’ll be directing the Divas’ side. But to be part of it is amazing. Nakaka-excite pero kinilig talaga ako when I got the message,” pagbabahagi ni John.

Sa ngayon ay pinaplano ng aktor na makagawa na rin ng isang pelikula bilang direktor sa susunod na taon. Wala raw problema kay John kung sakali mang ang dating mga kasintahan ang magbibida sa pelikulang kanyang gagawin.

“Feeling ko I’ll be comfortable with that. I’m not sure if my wife will be comfortable with that. And if she’s not comfortable, I don’t think I’ll be comfortable with that,” natatawang pahayag ni John.

Jolo nakaipon na ng kanta

Nawala na ang karakter ni Jolo Revilla bilang head ng Presidential Security Group sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Malaki ang pasasalamat ni Jolo dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataon na mapabilang sa isang serye pagkalipas ng ilang taon.

“Laking pasasalamat ko siyempre sa management at siyempre kay Coco. Thankful for giving me this opportunity to work again and sa pagbabalik sa teleserye dahil ang tagal na, after My Binondo Girl saka lang ako nakabalik,” bungad ni Jolo.

Bukod sa pag-arte ay abala rin ang aktor sa pagsusulat ng mga kanta. Mara­ming kanta ang naisulat ni Jolo sa ngayon.

“May ‘Nahulog,’ ‘Napagod,’ ‘Dahil.’ Ginagawa ko lang ‘yon parang outlet kapag nalulungkot, masaya, inspired. ’Yung ‘Napagod’ binigay ko kay Rhian (Ramos). Siya ‘yung kumanta, kailangan daw niya ng Tagalog, parang sa album niya yata,” nakangiting pahayag ni Jolo.

Isang kanta rin ang isinulat ng aktor para sa dating kasintahan na si Jodi Sta. Maria. “Actually no’ng kami pa may nasulat akong kanta for her, ‘yung ‘Nahulog,’” pagtatapat niya. Sa ngayon ay hindi pa raw masabi ni Jolo kung posibleng magkabalikan pa sila ng aktres. “Only time can tell if we are really meant to be,” giit ni Jolo.

vuukle comment

JOHN PRATS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with