^

PSN Showbiz

Female personality na may edad na, isinusumpa sa sobrang patong sa mga kinukuhang singer

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masamang-masama pala ang loob ng isang veteran female singer sa isang may edad nang female personality na umaaktong booker ngayon ng mga singers at artista. Ang dapat daw itawag sa matanda nang personalidad ay commissioner.

?Hindi lang ang veteran female singer ang pinagtangkaang isahan ng matandang babaeng personalidad, marami pang iba, mabuti na lang at may social media na ngayon.

?Kuwento ng aming source, “Ibang klase ang matandang babaeng ‘yun! Kumukuha siya ng mga singers at artista para mag-show sa mga probinsiya, puwede ring sa mga corporate shows, pero grabe ang ipinapatong niya sa talent fee ng mga kinukuha niyang performers!

?“Imagine, kinuha niya lang sa fifty thousand ang isang sikat na singer, pumayag na lang ‘yung singer dahil sa kakulitan niya sa katatawad, pero ipinasa niya ‘yung singer sa halagang one hundred fifty thousand sa kausap niyang promoter!

?“Nakakalokah ang matandang ‘yun! Grabe ang ipinatong niya sa presyo ng sikat na singer na kinuha niya para sa show! Pero nabuking siya ng manager ng singer, dahil nu’ng nagkausap na sila ng mga involved na tao sa show, nalaman niya ang tinanggap na TF ng matandang booker!

?“Tatlong doble pala ang amount na siningil niya, pero one third lang ng TF ang napunta sa singer, ibang klase talaga ang taong ‘yun!” inis na kuwento ng aming source.

?Pero nakahanap ng katapat ang beteranang personalidad nang hingin ng magpapa-show ang isang veteran female singer. Paborito pala siya ng mag-asawang balikbayan at gusto siyang mapanood uli na nagpe-perform.

?Patuloy ng aming source, “Nagyabang ang matandang babae, oo raw, kaibigan daw niya ang veteran singer na gustong mapanood ng mag-asawang balikbayan. Siya na raw ang bahala du’n, nagbigay siya ng presyong pagkalaki-laki para sa veteran female singer dahil natunugan niya na gustung-gusto ng mag-asawa.

?“Kaso, bago pa niya nakausap ang veteran singer, e, nagkita na ang mag-asawa at ang paborito nilang singer. Nagkasundo na sila sa presyo, napakaliit lang ng hiningi ng singer, masaya lang siyang makantahan ang mag-asawang miss na miss na pala siya.

?“Tumawag ang matandang booker sa mag-asawa, nagpapa­dagdag pa raw ang singer, dahil bihirang-bihira na lang siyang mag-perform. Ang totoo, e, hindi pa naman sila nagkakausap nu’ng singer!

?“Sabi ng balikbayan, ‘No, we met her last night, nagkausap na kami tungkol sa talent fee niya, don’t bother anymore, she will be our guest.’

?“Alam n’yo ba kung magkano ang hinihinging talent fee ng matandang booker para sa veteran singer? Five hundred thousand! E, thirty thousand lang ang honorarium na hiningi ng singer sa mga balikbayan, pang-make-up at pang-gasolina lang niya!

?“Mag-ingat ang mga performers kay commissioner! Matindi siyang magpatong at magpresyo! Palibhasa, e, wala na siyang pinagkakakitaan ngayon!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Coco ’di nagdamot kay Rhed

May nakahanda nang papel na gagampanan ang child actress na si Rhed Bustamante sa matagumpay na serye ni Coco Martin. Dininig ng Diyos ang hiling ng talentadong bata, nakatulong pa ang mga dasal na ibinato sa langit ng mga humahanga at nakikisimpatya sa kanya, makaaahon na sa pagdarahop ang pamilya ni Rhed Bustamante.

?Kuwento ng aming source, “Monday pa lang, ipinakontak na ni Coco si Rhed. Magiging part na siya ng Ang Probinsyano. At hindi lang ‘yun, pati ang mga problema ng pamilya, sinagot din ni Coco.

?“’Yung utang sa bahay na tinitirhan nina Rhed, ‘yung pambili ng gamot ng tatay niyang maysakit kaya hindi na makapagtrabaho, si Coco na ang umako sa lahat,” sabi ng aming kausap.

?Ibang klase talaga ang kagandahan ng puso ni Coco Martin. Naniniwala siya na ang mga biyayang napapasakamay niya ngayon ay may kakambal na responsibilidad para sa kanyang kapwa.

?Hindi lang ‘yun para sa kanya at sa pamilya niya, ma­rami pang ibang taong naka­destinong matulungan niya, tulad ng mga artistang bini­bigyan niya ng markadong papel sa kanyang serye na nagbigay sa mga ito ng pag-asa.

?Lumilipad sa sobrang taas ang rating ng Ang Probinsyano, sinusubaybayan ng ating mga kababayan ang maaaksiyong kaganapan sa serye, pero ang mas mala­king dahilan kung bakit napamahal na sa mga Pinoy ang palabas ay dahil sa kanilang pag­hanga kay Coco Martin na hindi maramot sa mga oportunidad para sa kanyang mga kapwa artista.

?Napakagandang puso.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with