^

PSN Showbiz

Zanjoe at Angelica ‘di nagka-inlaban

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe at Angelica �di nagka-inlaban
Angelica at Zanjoe

Kung tutuusin puwede nang maging mag­dyowa sina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay kumportable na silang magkasama. Nagkasama na rin sila sa ilang projects at kabisado na ang ugali ng isa’t isa pero, sa paggawa nila ng bago nilang serye na Playhouse ay kailangan silang paalalahanan palagi na magdyowa ang roles nila at kailangan nilang magpakilig ng viewers ng programa na mapapanood bago ang It’s Showtime at mapanatili ang mataas na ratings ng slot na unang pinalakas ng Be Careful with My Heart nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria na sinundan ng Sana Dalawa ang Puso nina Richard at Jodi muli, pero kasama na si Robin Padilla.

Excited si Angelica sa bago niyang role kumpara sa huling serye niya sa Pangako Sa ‘Yo na pawang kasalbahihan at pahirap ang tinanggap sa kanya ng KathNiel. Sa Playhouse naman, ang character ni Zanjoe ang pahihirapan niya dahil ipagkakait nito ang hinahangad niyang annulment na naging dahilan para magkita silang muli matapos ang hindi maganda nilang hiwalayan.

Sa proseso ng pagkuha nila ng annulment, isang bata ang magbibigay sa kanila ng se­cond chance on love. Ang bagong tambalan nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin will help provide the necessary kilig angle. Maxene Magalona will reprise the bad girl image na hinangaan sa kanya sa Doble Kara ni Julia Montes.

Sa kabila ng pagpapareha sa kanila romantically ni Angelica, inamin ni Zanjoe na handa na siyang magmahal muli at masaktan. Hindi baleng mabigong muli, ang mahalaga ay  makaranas at makapagbigay muli na magmahal.

Donny at Kisses guwardiyado ng mga magulang

Hindi lamang si Kisses Delavin ang mahigpit na gwardyado ng mga magulang sa kanyang mga pinupuntahan, maging si Donny Pangilinan din sa kanyang ina at amang sina Maricel Laxa Pangilinan at Anthony Pangilinan na kasamang nagpunta sa mediacon ng Playhouse. Dumating na parehong nakaputi ang suot ng dalawa na walang maaming relasyon bukod sa pagiging friends. Pero, kumpor­table sila sa pagi­ging magkaibigan.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with