^

PSN Showbiz

Popular actor na walang pelikula at teleserye hanep kung mag-presyo sa provincial show na kawanggawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malapit na palang mawalan ng ulirat ang isang show promoter sa narinig nitong presyo ng isang popular na aktor kapag dinala siya sa isang probinsiya.

?Mabuti na lang daw at nahigop na ng promoter ang iniinom nitong kape, dahil kung hindi ay baka naibuga nito ang laman ng kanyang bibig, dahil sa sobrang pagkagulantang.

?Hindi fiesta o isang corporate show ang ipinang-iimbita ng show promoter, isang makabuluhang proyekto ‘yun sa mga mag-aaral, pero shock na shock ito sa kanyang narinig.

?Kuwento ng aming source na shocking Asia rin, “Meron na silang nakuhang mga entertainers, nagdadagdag lang sila, dahil malakihan ang okasyon. Puro mga estudyante ang audience, kasama ang kanilang mga teachers.

?“Okey na ang tatlong performers na nakuha nila, ayos lang ang hininging talent fee ng mga managers nila, kaya nagulantang sila nu’ng kausapin na nila ang manager ng popular actor.

?“Totoong guwapo siya, matangkad, popular at maraming kababaihang nagkakagusto sa popular actor, pero grabe naman ang talent fee niya na ibinigay ng humahawak sa career niya!

?“Imagine, hindi naman siya singer, pampakilig lang siya sa okasyon, pero tumataginting na seven hundred thousand pesos ang asking price ng ki­nausap ng grupo?

?“Sa totoo lang, ‘yung talent fee ng tatlong performers na kinuha nila, e, hindi pa nga aabot sa three hundred thousand, tapos siya na nag-iisa lang, e, seven hundred thousand ang talent fee?

?“Nagpa-thank you na lang ang grupo sa humahawak ng pagpepresyo sa kanya (hindi pala ang manager ng popular actor ang nakikipag-usap pagdating sa kanyang talent fee sa mga shows), hindi kaya ng organisasyon ang laki ng TF niya, sa totoo lang.

?“Kaya pala maraming ginagawang concert ang maraming singers na gusto sana siyang kunin, pero hindi natutuloy, talent fee pala niya ang dahilan nu’n!

?“Nakakaloka naman silang magpresyo, parang presyong ayaw naman nila ‘yun, kaya bihira lang nagkakaroon ng mga provincial shows ang popular actor. Towering ang presyo niya, para sa pitong performers na ‘yun, kaya bakit pa nga naman siya kukunin?

?“Wala namang serye ngayon ang male personality, wala rin siyang pelikula, nakatiyempo lang siya nu’n nu’ng i-partner siya sa isang maganda at sikat na aktres,” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Negosyo nila Kathryn ang bilis manganak

Napakabilis manganak ng itinayong negosyo ng pamilya ni Kathryn Bernardo. Parang kailan lang nang buksan ang unang sangay ng KathNails sa SM-North, pagkatapos ay nasundan agad ‘yun ng isa pa sa Ayala Malls sa Balintawak, tapos ay nagkasunud-sunod na ang kanilang mga branches.

?Nu’ng Lunes ay ginanap ang inagurasyon ng KathNails sa SM South Mall na dinayo ng mga tagahanga nina Kathryn at Daniel Padilla, kinailangan nila ng dagdag na security dahil sa sobrang dami ng tao, maaga pa lang kasi ay nandu’n na ang mga tagasuporta ng loveteam.

?Wala pang pahinga sina Kathryn at DJ dahil galing sila sa isang show sa Legaspi City, na-delay pa nga ang kanilang flight, kaya alas sais nang gabi na sila nakarating sa SM South Mall sa Las Piñas.

?Patuloy na pinipilahan ng a­ting mga kababayan ang kanilang pelikulang The Hows Of Us, mahigit kalahating bilyon na ang kinikita ng kanilang tambalan, puring-puri ng manonood ang ipinakitang acting ng magkarelasyong bumibida sa pelikula.

?Text sa amin ni Teacher NL, “I watched KathNiel’s mega hit, hindi nila ako fan, pero na-satisfy nila ako sa ipinakita nilang acting. Pareho silang mahusay.

?“Hindi isang formula movie para sa mga fans ang latest film nila. Naitawid nina Daniel at Kathryn ang bawat eksena nang may lalim at saktong pagganap. Hindi lang sila nagpakilig at nangiliti ng mga fans nila.

?“Hindi kataka-takang super-hit ang movie. Wala silang katulad sa kanilang mga kakontemporaryo,” sinserong komento pa ng manunuring si Teacher NL.

?Napakasarap pakinggan.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with